------- ***Bella's POV*** - "Thank you, it was a delicious dinner!" nakangiti kong sabi sa ina ni Draeven. "Thank you ija. Thank you at pinaunlakan mo ang dinner na inihanda ko ngayon. Kung pwede palang, dito ka na mag- dinner lagi." napangiti sya sa sinabi nito. Kinuha nya ang isang baso na may laman tubig para uminom. "Diba, Draeven?" "Yes. She can stay here, too." napatigil ako bigla sa pag- inom. Muntikan na akong mabilaukan ng tubig sa sinabi ni Draeven. Kanina pa ako naiilang sa mga titig nya sa akin at idagdag pa itong mga sinasabi nya. Pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko. Awang labi naman akong nakatingin sa kanila. Ewan ko pero hindi ko magawang magkomento sa sinabi ni Draeven. May kung anong hindi ko maintindihan na sensasyon na gumapang sa aking katawan sa tuwing titig