Hindi naman nagtagal ay dumating agad si Harris, pumasok ito sa loob ng kotse at hinalikan muna ako sa labi bago kinuha ang baril. At pagkatapos ay nilagyan ng bala. "Bilisan mo Dulfo, hindi sila puwedeng makatakas!" galit na wika ni Harris. "Diyos ko po, ibig sabihin meron pa itong kalaban," bulong ko.. Narinig kong kinasa nito ang baril at binuksan ang pinto ng kotse, narinig ko na lang ang magkakasunod na putok ng baril. Nagtakip na lamang ako ng tainga ko at ipinikit ko ang mga mata ko, jusko po, kahit may takip na ang tainga ko ay naririnig ko pa rin ang mga pagsabog sa kalsada. "Lord, okay na po, nakuha na ni Pam at Andy, si Mr Nardo Jabal," dinig kong wika ng driver. "Good," sagot naman ni Harris. Ramdam kong lumapit si Harris sa akin at inalis ang mga kamay ko sa tainga ko