Sean "Goodnight Samantha" Sabi nya ng makababa na sila mula sa Porsche sa tapat ng gate ng bahay ni Samantha. Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya, mabilis nyang hinawakan ito sa pisngi, tinulak sya nito palayo marahil sa pag aakalang hahalikan nya ito ulit. Ngumiti lang sya rito, aaminin nyang gusto nya itong halikan ulit, at walang makakapigil sa kanya pag gusto nya, pero pagbibigyan muna nya ito sa ngayon. "You can't kiss me again!" Matapang na sabi nito. Tumawa sya at hindi mapigilan na mapalakas ang tawa, dahil alam nyang once na halikan nya si Samantha bibigay na ito kaagad kahit anong pilit nitong labanan ang sarili, alam nya ang weakness ng mga babae lalo na ang weakness ni Samantha, hindi sya expert kay Samantha pero alam na alam nya ang kahinaan nito pagdating sa kanya, ka