Sean "Believe me Samantha, I like you" Ulit nya dahil ayaw nitong maniwala sa kanya. Totoo naman ang sinabi nyang gusto nya ito, at lahat naman ng ayaw nya rito totoo, pero ganoon pa man sya karaming ayaw sa isang Samantha Cruz na makaluma andoon parin ang hindi nya matatanggi gusto nya si Samantha, gusto pa nya itong makilala ng husto, at hindi pa sya handang mawala ito sa kanya ngayon. Nag-eenjoy syang kasama si Samantha, mas lalo nya itong nakikilala sa bawat araw na nakakasama nya ito at gusto nya ito, iba sa pagkakagusto nya sa mga babaeng nakasama na nya, masasabi talaga nyang iba si Samantha. "Tumigil ka nga!" Sigaw nito at marahas na nag angat ng ulo mula sa pagkakayuko dahil sa pag dampot nito sa mga libro. "Hindi mo ko gusto! Na cu-curious ka lang sa akin! Oh tamang sabihin na