Episode 43

1637 Words

"f**k!" Kanina pa nagmumura si Ivan dahil kanina pa sumusuka si Shaira. Hindi niya alam na uminom pala ito ng alak habang nasa labas siya kanina. Alam niya naman kasi na kahit iwanan niya sandali si Shaira ay hindi naman ito mapapahamak lalo na't inutusan niya ang isa sa mga staff nitong resort na 'wag itong aalisin sa paningin nito. Na huwag itong palalabasin sa cottage nila hangga't hindi siya nakakabalik. Nagtagumpay nga ito na 'wag palabasin ang babae pero naabutan niya naman ito na nakasalampak sa sahig habang nagsusuka sa bowl. Umalis kasi siya saglit para tawagan ang kapatid niya. Kinulit kasi siya nang kinulit ng kapatid kaya medyo natagalan siyang makabalik. Ang kaibigan daw kasi ni Shaira ay halos mabaliw na dahil sa pag-aalala. Kaya naman inutusan niya ito na sabihin sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD