Prologue

723 Words
"Ano na Taira!? Wala na ba talaga akong aasahan sayo kundi sakit sa ulo!?" Sermon ni Mommy. Nalaman niya na kasing na-expel ako eh. Ang totoo niyan, wala naman talaga akong pake kung makapag-aral man ako o hindi dahil hindi rin naman non mababago ang problema sa pamilyang to. Bakit? Well, kinasal ang Mommy't Daddy ko noong October 31,2003 at nagkakamali ka kung iniisip mong kinasal sila dahil sa wagas na pagmamahal. May boyfriend ang Mommy ko noon na si Lorenzo, Sobrang minahal siya ng Mommy, kaso isang araw nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil nahuli siya ng mama ko kasama ang babae nito. Kaya nagdesisyon si Mommy idaan sa alak ang nararamdaman niya at doon niya nakilala ang Daddy ko. Pareho silang brokenhearted that time, may girlfriend din kasi si Daddy noon na hindi ko alam ang pangalan basta ang alam ko ginamit niya lang si Daddy. Well, sa sobrang yaman ni Daddy, hindi na nakakapagtaka yun. Nakilala ni Daddy si Mommy sa club nayun ng maabutan niyang mag-isa nitong tinutungga ang inumin. Kaya nagdesisyon siyang kausapin ito dahil ramdam niya ang bigat ng kalooban nito. Hanggang sa ang pag-uusap na yun ay napunta sa dahilan ng pagbuo ko. At yun ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa nila dahil nalaman ni Lola ang nangyari sa Mommy't Daddy ko kaya kahit labag sa loob ay nagpakasal parin silang dalawa. Akala ng mga magulang ko pag mas nakilala pa nila ang isa't isa ay baka nga matutunan nilang mahalin ang isa't isa pero ang akalang yun ay biglang naglaho nang maabutan ni Mommy si Daddy na nambababae. Akala ko magagalit si Mommy at aawayin si Daddy kaso hindi, dahil mas lalo niya lang narealize na hindi niya pala talaga kayang magmahal ng iba bukod sa dati nitong kasintahan. Nang mabalitaan ni Mommy ang pagbabalik ni Lorenzo ay noon ko lang nakita ang saya sa mga nito na never ko pang nakita in my whole existence. At sa mga sumunod na araw, araw-araw na lang umaalis si Mommy may mga gabi ngang late na siyang umuwi eh. Di naman lingid sa kaalaman ko na nakikipagkita siya kay Lorenzo pero ewan ko kung alam ni Daddy yun peri kahit naman malaman niya wala paring magbabago eh, pagsasabihan niya lang si Mommy tapos balik na naman sa dati like parang hindi yun nangyari. Ganiyan ang buhay ko rito. Kaya mas gusto ko na lang hindi umuwi sa bahay. Malaki nga yung bahay pero parang wala namang nakatira. Kaya simula nung marealize ko na ganito na talaga ang buhay ko at di na magbabago pa , natuto akong manigarilyo, uminom at mangbasag-ulo. Hanggang sa makilala ko si Quizha tinulungan niya ko sa lahat ng bagay. Naging sandalan ko siya sa mga pagkakataong mag-aaway kami ng parents ko. Doon ko rin nakilala si Tita Merlyn. Mabait si Tita Merlyn siya yung naging pangalawang ina ko. Mas naging ina pa nga siya sakin kesa sa totoong Ina ko e. Kaya lang may sikretong tinatago si Tita Mer na ayaw niyang ipaalam sa kahit na sino. Nag-aral siya nang martial arts nung kabataan niya. May lahi kasi silang hapon at isa sa mga tradisyon nila ang pag-aaral ng Martial arts. Nung time na yun madalas akong mapaaway at madalas ako talaga ang talo. Kaya noong malaman yun ni Tita Mer nagpasya siyang ibahagi sakin ang kakayahan niya basic skills lang dapat ang tuturuan niya sakin kaso mukha raw kaya ko naman ang mga mahihirap na trainings kaya nagtuloy-tuloy yun hanggang sa umabot sa point na ako na ang naghahanap ng g**o. Pinagsabihan naman ako ni Tita Merlyn kaso di ako nakinig. Masaya ako sa ginagawa ko dahil kapag nasa laban ako feeling ko nawawala lahat ng stress ko. Oo tama kayo pakikipagbasag-ulo ang napili kong pampatanggal ng stress at dahil din don kaya na-expel ako sa dating pinapasukan ko. "Nananakit pa po yung ulo ko, Mom. Kaya please lang, huwag muna ngayon."Sambit ko saka naglakad paakyat. Naglasing kasi ako kagabi kasama si Quizha. Kaya heto't may hangover pa ako. Binungangaan pa ako ni Mommy pagkababa ko. Narinig ko pa ang sigaw ni Mudra. Pero di ko na ito pinansin at tumuloy na lang sa aking silid nang makapagpahinga. ___________________________ First Stand-alone story ko po ito kaya sana po abangan niyo, salamat :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD