Mabilis din akong tumambling papunta sa ere dahil nakita ko ang aking dalawang baril na kasamang lumipad ng mga isda ko. Mabilis kong inagat ang aking kamay para sa luhin ang baril ko. Saktong yapak ng aking paa sa lupa ay kasabay nang pagkuha ko ng aking dalawang baril. Mabilis ko itong ikinasa. At sinalubong ko ang mga lalaking pina-uulanan ng bala si Senator Ravo na ngayon ay nasa kotse niya. Mabilis akong tumambling ng ilang beses upang hindi matamaan ng bala dahil binabaril na rin nila ako. Isa-isa naman silang bumagsak dahil puro hita ang patama ko sa kanila. Ngunit may pinatamaan din ako sa ibabaw ng ilong. Mabilis kong itinago ang aking baril. At nagmamadali akong lumapit sa aking isda na ngayon ay nagkalat sa kalsada. Wasak din ang aking batya na dala-dala. Bigla tuloy akong