MABILIS akong lumiko papunta sa kanang daan. May nakita akong nakahimpil na malaking truck. Kaya naman dali-dali akong pumunta sa likuran nito. Nang hihinang napasandal ako sa truck. Ilang beses ko ring nahilamos ang aking mukha. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na basta ko na lang hinalikan si Senator Ravo Escuder. Ano bang sumapi sa akin? Hindi naman ako baliw at mas lalong hindi ako lasing. Bakit pati unang halik ko ay basta ko na lang ibinigay sa lalaking ‘yun na alam kong may sabit na. Ang usap-usap ay magpapakasal na rin sila ng nobya nito. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking labi. Aaminin kong masarap ang labi ni Senator. Ang lambot at ang bango. Parang ayaw ko na tuloy magsupilyo upang hindi ka agad maalis ang labi nitong lumapit sa aking labi rin. Mariin ko na lamang ik