Chapter 1

2491 Words
Chapter one "Neeext!" dumagundong ang boses na yun hanggang sa labas ng office ng President ng Sebastian Elizares Pharmaceuticals Corporation, o mas kilala sa tawag na SEP-C. Napamulagat si Stephani at napalunok. Napaantanda ng krus ang dalaga pero parang nacurious siya sa hitsura ng nagmamay-ari ng namamaos na tinig na yun. Walang ni isa man sa internet ng tunay na katauhan at itsura ng batang presidente raw na yun ng kumpanya dahil ang mayroon lang ay ang ama nitong si Heaven Javier, noong kabataan pa. Napaisip pa siya na baka pangit ang anak pero imposible dahil napaka gwapo ng ama, na parang anghel na tinanggalan ng pakpak at inihulog sa lupa, na kahit may edad na ngayon ay bruskong brusko pa rin ang dating. That man didn’t age, she thinks. Ni wala nga iyong wrinkles. Ang hindi niya matiyak ay baka nagpapa-clinic iyon at nagpapa-surgery. Eh ang anak kayang panganay daw sa kakambal na babae? Gwapo rin kaya kahit na sumisigaw sa loob ng opisina She researched about the company's information which will help her pass the interview for secretariat position. Actually, she never dreamed of becoming a secretary, kaya lang yun ang kaya ng mga magulang nyang ipatapos sa kanya sa probinsyang pinanggalingan niya kaya yun ang kinuha nya. Pero ang gusto nya talaga ay maging Clinical Pharmacist, kaya nang makita niya na hiring ang sikat na pharmaceuticals na ito ay di sya nagdalawang isip na mag-apply kahit pa dehado siya sa qualifications. At least di man bilang chemist o Pharmacist, nandun naman sya sa napakalaki at stable na kumpanyang may hawak ng pinakamagagandang pharmacy sa buong Pilipinas, at gumagawa ng sariling mga branded na gamot sa laboratories nito. Sana lamang ay matanggap siya, daig pa niya ang tumama sa lotto. Natatawa pa siya ng makita sa pahayagan at internet ang tungkol sa job hiring na yun. Magsuot daw ng mini skirt at pang-itaas na medyo labas ang cleavage. Daig pa nila ang mag-aapply sa cabaret. She thought it was a joke. Sira ulo ba ang nagpaskil nun, na dapat ay ganoon ang itsura ng mga mag-a-apply ng trabaho? Hindi pa siya nakakita ng ganoon sa tanan ng buhay niya. Bawal daw mag-apply ang may salamin at mukhang manang. Bawal daw ang virgin. Eh virgin sya. Eh ano? Malalaman ba nya! Di naman! "Holy f**k! I said next!" sigaw ulit nito at may kasama ng mura. Diyos ko! Ako na nga pala! Parang bigla eh gusto niyang umatras na. Tanga mo Stephania! Bakit ba naman nawala sya sa katinuan nang marinig ang namamaos na boses na yun ng lalaki? Napatayo sya sa kinauupuan at kaagad na kumilos patungo sa pinto na yun ng opisina. Nanlalamig ang mga kamay na hinawakan niya ang door knob at pinihit. She walked in. Napatigil sya sa paghakbang nang mapansin na walang tao roon. Nasaan ang sumisigaw na daig pa ang mawawalan ng bukas? Multo ba ang may-ari ng boses na yun? Napadako ang mga mata niya sa napakalaking litrato sa panglikurang dingding na napapalibutan ng mga pharmacy at laboratory. Para yung chain na magmula sa gwapong litrato na yun ng lalaki. Dios mio! Parang ang sarap halikan ng labi at mga mata ng lalaki at parang kahit anong hikit ng garter ng panty ay kusang malalaglagan ang may suot kapag nakipagtitigan roon. Napalunok sya sa buhay na buhay na yun ng litrato ng lalaki. Parang may hypnotism ang mga matang yun na nanghihikayat na lumapit. Yun ba si SJE, na anak ni Heaven Javier Elizares? Napakagwapo nun pero balita ay ubod daw ng babaero. Pwedeng yun nga dahil sa hitsura nito na mukhang nakakabuhay ng patay. Di malayong hinahabol ng mga babae talaga ang Presidente ng kumpanya, pero parang ang sungit naman kung makasigaw. Isang tikhim ang nagpalingon sa kanya. “Ay!” mahina niyang tili, sapo ang dibdib pero kulang ang lumuwa ang mga mata niya sa nakikita. Sus Ginoo! Ang gwapo! Nakatitig sa kanya ng personal ang lalaking nasa litrato na yun. Nakatayo ito sa may bukana ng banyo habang nakapamulsa, nakatingin sa kanya. Maluwag ang nekctie na suot nito at nakabukas ang ilang butones sa may dibdib. Sya ba ang president? Parang di niya gustong maniwala. Napaka rugged ng dating ng lalaki at parang walang bakas nag kareponsablehan ang aura nito. Para itong basta lang makakilos, tapos! Tumaas baba ang isang isang kilay nito bago nagpakawala ng isang mapang-akit na ngiti habang pinapasadahan sya ng tingin, at sinadya pang dumaan sa mismong harap niya bago saglit na tumigil sa tapat nya para mag face to face sila. Nakatingala siya sa lalaki at hindi niya alam kung nakanganga siya. Hinawakan nito sa may dibdib ang suot na long-sleeves at inalog na animo ay naiinitan. Lihim syang napasinghot nang sumingaw ang mabangong amoy ng lalaki dahil sa ginawa nito. Pagkatapos nun ay lumayas ito kaagad sa harap niya at naupo sa sariling silya, saka itinaas ang paa sa mesa. Literal na nanlaki ang mga mata niya at umarko ang kilay sa ginawa ng boss? Boss ba talaga ito? Bakit parang hindi? "Take a seat!" his husky voice filled her ears. No wonder he was the boss. Ito nga ang nagmamay-ari ng magandang paos na boses na yun na kung makasigaw ay walang pakialam kahit pa bumangon ang mga patay sa simenteryo. "T-Thank you, Sir." pormal na tugon niya pero sobra sobra ang kaba niya at mabilis na naupo sa silya. Hindi siya dapat pahalata na kinakabahan siya. Ano namang ikaninerbyos niya? Kung pumasa siya, salamat pero kung hindi ay hindi talaga iyon para sa kanya. "May experience ka na?" tanong nito habang nakatitig sa mukha niya. Experience saan? Di niya maintindihan ang tanong kung tungkol sa experience sa pagiging secretary o experience sa lalaki? Kasi parehas wala. "S-Saan po?" balik tanong niya sa lalaki na napakagat ng pang itaas na labi naman habang nangingiti. "Sa s*x," prangkang tugon nito. Santissima! Gusto niyang mapapikit sa tindi ng tanong nito. Kahit yata suma c*m laude sya ay hindi nya kailanman kayang sagutin ng diretsahan ang tanong na yun. Napakabastos ng bilyonaryong negosyante na ito. Umawang ang bibig niya para magsalita. Magsisinungaling na lang sya para lang matanggap sya sa trabaho. Total mukhang hindi naman kailangan ng boss niya ang matinong empleyada. Mukhang mas kailangan nito ng babaeng maikakama pero di naman siya paiisa syempre. Gusto lang nya ang trabaho para sa pamilya nya. Hindi niya naituloy ang balak na isagot nang muli itong magsalita. "My requirements were vividly stated. I hate virgins,” anito sa kanya. Gusto nyang panawan ng ulirat. Isang malaking kasalanan na ba ngayon ang pagiging birhen para sa lalaking ito? At ano naman ang kinalaman noon sa pagiging secretary? At ang galing naman yata nitong mangilatis dahil sa isang pasada ng tingin sy alam kaagad kung na devirginized na ang babae. "They are…" anito na parang biglang natigilan nang may maulinigan na boses sa labas ng office. "Mr. Elizares!" Narinig din nya ang sigaw na yun. … Napaayos si SJ ng upo pagkarinig sa boses ng matronang si Donya Olivia. Ang laki ng atraso niya sa babae dahil isang truck ng supplies ang hindi niya naiparating ng nasa oras sa pag-aari nitong ospital. Sa kawalan niya ng panahon ay umabot na sa isang linggo ang pagka delayed ng mga gamot at ang pera ay matagal nang naideposit sa bank account ng kumpanya. Jesus! f**k! Pero saan sya busy? Sa kakapambabae niya at kapag nakarating ito sa Mama niya, tyak na isang linggong sermon ang aabutin niya at baka ipatapon na sya ng tuluyan sa hacienda kasama ang kuya Hanz nya! Ayaw nya. Di sya makukuntento sa buhay doon. City life ang gusto niya at ayaw nyang maging magtatanim ng okra, o talong kasi mahaba at mataba na naman ang talong nya, o kaya mag-aani ng mani kasi marami na sya noon. "Demmit! Talk to that whale! Kapag bumait, tanggap ka na kahit virgin ka!" aniya at mabilis na sumiksik sa ilalim ng mesa para magtago. Nawala ang poise niya bilang isang kagalang-galang, este nakasisindak na boss. … Tigalgal si Stephanie. Gusto niyang matawa sa nakitang reaksyon ng President sa pagkarinig sa boses ng babae sa labas ng opisina. Parang bata ito na nagsumiksik sa ilalim ng mesa kahit ang laki laking tao pero ang tawa ay hanggang imahinasyon lang nya nang biglang bumukas ang pinto nang marahas. "Mr. Elizares, talk to me!" sigaw ng may katabaang babae na may bitbit na bag. Pula ang buhok nun na napakaikli at salubong ang mga kilay na tattooed. Nakamini shirt na maong iyon kahit ang tanda tanda na pero halatang mayaman ang babae base sa postura nito at sa ganda ng kutis. "Nasaan ang magaling?!" pasinghal na tanong nito sa kanya. Napalunok sya pagkatapos ay binigyan ng isang magandang ngiti ang babae. Diyos ko paano ba ito? Nasapo nito ang dibdib kaya kaagad niyang napatayo at hindi nag-atubiling dinaluyan ang babae. "Good morning Madam. Relax lang po kayo. Please be seated " aniya na inakay ito sa silya. Mabilis niyang ikinuha ng tubig ang babae. Mabuti na lang kanina pa niya nakabisa ang kabuuan ng opisina kaya alam nya kung saan kukunin ang tubig. Pasimple niyang sinulyapan ang amo na di niya alam kung paano pinapagkasya ang sarili sa ilalim ng mesa. She smiled at the woman. Makamatay ang pagsuri na ginagawa nito sa kanya pero relax siya. “Here ma'am,” aniya saka iniabot dito ang tubig. Walang humpay ang senyas ng Presidente sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Buti nga sa'yo. "Nasaan ang amo mo?!" galit na naman ang babae matapos na makainom ng tubig, “Isang linggo ng wala ang supplies ko! Nirereklamo na ako ng mga pamilya ng pasyente! We are a tertiary hospital tapos walang gamot! Aba, mamamatay na yung may hika wala pang Salbutamol na pambala sa nebulizer! Kasalanan ito ng amo mo! Nasaan ang babaero na yun na walang alam kung hindi magkandong ng babae?!" inis na saad nito at naghahabol ng hininga. Paano ba ito? Natataranta sya kung anong isasagot nya. Letse. Nag-apply lang siya ng trabaho ngayon kahit siya ay damay sa sigaw ng isang customer na hindi nasu-supplayan ng gamot? She cleared her throat and gathered a lot of confidence. "As matter of fact Ma’am, inaasikaso na ho nya ang supplies niyo. Mamaya hong hapon nasa inyo na lahat. Nagkaroon ho kasi ng delay sa…nagkaroon po ng problema sa tracking. M-Medyo hindi ho maganda kaya kailangan na i-prioritize. Napagkamalan ho na ibang bagay ang mga delivery…ganun po, nakangiting sagot nya. Umarko ang kilay nito na parang ayaw maniwala sa sinasabi niya, "Hindi nya gagawin yun ng personal. Napaka arte ng tao na yun at ni dumutdot sa kahon ng supplies ko di nya yun gagawin kaya paano na mamaya ay ihahatid niya sa akin? That man only knows how to touch p***y and not supplies! Mag-ingat ka dahil maganda ka!" Sinuri na naman siya nito mula ulo hanggang paa. "Hay naku, believe me po, mamaya hong hapon ay personal nyang idideliver sa inyo ni boss ang lahat. Konting pasensya lang po, wala po kasi syang secretary kaya medyo nakakalimutan nya lahat ng obligasyon nya. Wala pong nag o organize ng lahat para sa kanya. Pero ngayon po, I'll make sure di na mauulit yan. Kakasimula ko lang po ngayong araw at nalaman ko ho na marami siyang naging problema," nilangkapan niya ng kaunting seguridad ang lahat ng mga pinagsasasabi nya para kapani paniwala siya. Bahagyang kumalma ang babae, "Ikaw ba ang secretary nyang bago?" anito na nasuri ang kabuuan nya…ulit. Ngumiti sya, "Opo. Bigyan niyo naman po ng hanggang bukas ng umaga yung babaero kong boss na maihatid yung supplies niyo." Umismid ito, "sige, mabait ka naman and you accommodated me so well. That's enough reason para bigyan ko ng chance ang babaero mong amo, kasi sya ang hirap hagilapin, di nakikipag-usap nang matino, laging nasa kandungan ng babae kaya naha-high blood ako,” anito na parang tumataas na naman ang presyon. Inabutan nya kaagad ito ng tubig. "Yes Ma’am. That's true pero po ngayon totoong inaasikaso nya ang problema niyo kaya po iniwan nya ako rito." "Sige. Aalis na ako. I expect the delivery either later or tomorrow morning. Thank you and please be careful, maganda ka baka isahan ka ng batang yun," anito na hindi na sya hinayaang makapagsalita pa. Napataas na lang ang kilay niya at feeling boss sya ngayon ha. Kumaway pa siya at pumike ng ngiti bago iyon tuluyang lumayas. "Is the whale gone?" napapihit sya sa tanong na yun galing sa ilalim ng mesa. Gusto niyang matawa pero pinigil niya ang sarili. Maya maya ay nakita nya na umuusli na ang ulo ng amo papalabas sa pinagtataguan. "Ay bumalik!" bulalas niya kaya kaagad na nagsumiksik ulit ito sa ilalim ng mesa kasabay ang malulutong na mura. "f**k! Damn! s**t! Palayasin mo na, puta!" anito na iknatawa na nya ng husto. At first thought napakayabang ng dating nito pero hindi naman pala. Para itong bata kung susumahin niya. "Joke lang po,” humagikhik ang dalaga. Mabilis itong lumabas mula sa pinagtataguan at matiim ang mga matang itinunghay sa kanya. He bit his lip because of annoyance and she found it so sexy. "Isahan mo pa ako at may kalalagyan ka sakin! Kanina mo pa ako tinatawag na babaero. You're going to make me deliver those damn supplies later?" umiling ito, "I'll fire you right away!" galit na singhal nito. Pero bakit di nya makuhang matakot kahit na ang taas ng tono nito sa kanya ngayon? Sa nakita nyang pag uugali nito na isang boss na nagtago sa ilalim ng mesa pagkakita sa kliyente ay tila ba kumurap sa utak niya ang salitang COOL. Yun ang pwedeng mag deacribe sa ginawa nito. Nagkibit balikat sya at bahagya rin na lumabi. "Okay sir, if that's the case. Tatawagin ko sya ulit." akma syang lalabas na nag magsalita ito. "f*****g no!" anitong parang gustong mataranta. "No talaga , Sir. We had a deal and I got it. I'm your new secretary dahil napapayag ko si Madam na hindi i-pull out ang orders nya at bumait sya." she smiled beautifully. He pouted a bit while staring at her face. His green eyes squinted and after a few blinks, he grinned lopsidedly. Gosh! Yun din ang ngiti ng father nya. "Okay then, let's sign the contract,” anitong kalamado na at inalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya at tinungo ang pintuan. He opened the door and stood there like the prince of all the gods and goddesses. Nakapameywang ito habang nakaliyad ang dibdib. He's so handsome. "Magsilayas na kayo! No more interview! Leave! Now!" sigaw nito sa mga aplikante na ikinalaki ng mga mata niya. Susmi! Pumihit ito na parang wala lang nangyari. Nakikita niya sa salaming dingding kung paano nagsipagtayuan ang mga aplikante at nagmamadaling nagsipaglayas. Ang ilan ay napatunganga sa kagwapuhan ni SJ pero nang bumuka naman ang bibig ay parang buhawi na humawi sa mga kababaihan na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD