Chapter 10 *** Bilang ni Stephanie ang mga sandali habang naghihintay na dumating ang boss niya. Mag-aalas tres na pero wala pa rin ang damuhong maharot na yun. Kating-kati na syang maisauli ang lintik na sapatos, na parang di pa man lang niya naisusuot ay nilalagnat na sya sa taas ng presyo. Napatayo sya nang marinig na may tumunog na elevator. Kaagad na humaba ang leeg niya sa pagtanaw kung sino ang iluluwal niyon. Si Sir! Gumuhit ang kaba sa dibdib niya pagkakita sa gulu-gulo nitong buhok at di niya alam kung bakit. Malamang kasi parang lalong pumogi kapag ganoon na hindi masyadong pormal ang dating ng amo niya. Nakasunglass pa rin ang lalaki kahit nasa loob na ng building at ang damit ay kandahugot na sa slacks a—tinaay! Mali-mali ang pagkakabutones ng damit ni SJ. Halatang