"You mean hindi mo pa pinapalabas si Honey sa silid niya? Pangalawang araw na ngayon, ah? Paano na ang pag-aaral niya?" Si Jhie. Kausap ito ni Faith sa hologram screen. Nasa office ito ng Elite Force Agency at si Faith ay nasa bahay naman.
"Kawawa naman ang inaanak ko," komento rin ni Jomar. Makikitang sumilip ito sa screen. May hawak itong baso. Nagkakape. Tapos ay umalis din.
Faith heaved a sigh. Yakap-yakap niya ang sarili. Nakatayo siya sa harapan ng high tech na screen. "Hindi kasi ako pabor sa gustong mangyari ng batang iyon. You know that it's too dangerous to be one of us!"
Humalukipkip din si Jhie. Sumandal ito sa kinauupuan. "Wala tayong magagawa kung gusto niyang sumunod sa mga yapak mo. Alalahanin mo anak mo 'yan. She has your blood."
"This is not the life I dreamed for her. You know that, Jhie," she reasoned out. Napahimas siya sa kanyang noo. Parang sasabog na kasi iyon sa pag-iisip kung paano niya mapipigilan ang kagustuhan ng anak na maging katulad niya.
Sinubukan na niyang kausapin ang anak ulit pero hindi siya pinapansin ni Honey. Mas gusto pang makulong sa silid kaysa ang magkabati silang mag-ina at mangakong hindi na nito nanaising maging isang assassin.
"I want to be like you, Mommy, and you can't stop me," iyak ng bata sa kanya kanina tapos nagtalukbong na ng kumot at hindi na siya kinausap pa.
Hindi na niya alam ang gagawin. For pete's sake, ten years old pa lang si Honey. Paanong nangyayari ito?
Hindi na niya alam ang gagawin. For pete's sake, sampung taong gulang pa lang si Honey. Paanong nangyayari ito?
"Pero, Faith, ngayong medyo may isip na siya tinanong mo na ba siya kung anong gusto niyang maging balang araw?" untag sa kanya ni Jhie.
She bit her lower lip. Hindi pa niya iyon nagagawa.
"Baka naman ikaw lang ang may gusto ng mga bagay na gusto mo para sa kanya pero siya, hindi pala. Buti nga't maaga pa lang, eh, nalaman na ninyo ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Kaysa naman magulat na lang kayo isang araw," Jhie added.
"I am her mother kaya may karapatan akong piliin ang alam kung makakabuti sa kanya," pagrarason niya pa rin.
Nagkibit-balikat si Jhie. "If that's the case, parehas ka lang pala ng Daddy mo noon. Alalahanin mong naging assassin ka dahil lang sa kagustuhan niya. Baliktad nga lang ngayon ang sitwasyon."
"Hindi kami magkatulad dahil kabutihan lang ng anak ko ang gusto ko," protesta niya. Bumalik ang lahat sa ala-ala niya ang nakaraan at masasabi niyang ibang-iba, ibang-ibang sila ng Dad niya. Though, mahal na mahal na niya ngayon ang ama.
She felt depressed. Bakit ba walang kumakampi sa kanya? Mali ba na ilayo niya ang anak sa kinagisnan niyang pagpatay ng tao na parang mga hayop lang? Ni sa imagination ay ayaw niyang makita ang anak niya na nakahawak ng mga sandata at duguan. Honey is a princess not a killer! God!
"Naroon na kami, Faith." Umayos nang pagkakaupo si Jhie. Mas inilapit nito ang sarili sa monitor. "Pero sana huwag mong ipagkait ang gusto ng anak mo tulad nang pagkakait sa 'tin ni Don Savillano sa dapat ay gusto nating buhay noon. Kung gusto ni Honey ang ganitong buhay, why not support her at susuportahan din namin siya. Isa pa, Faith, dahil anak mo siya siguradong kakapitan din siya ng mga panganib. Para sa akin, dapat nga rin niyang matutunan ang pakikipaglaban para rin sa kanyang sarili lalo na't kasasabi mo lang kanina na may bago na naman tayong kalaban if ever may plano ngang maghiganti ang anak ni Graciano sa'tin."
Halos magsalubong ang dalawang kilay niya sa mga tinuran na iyon ng kaibigan. Hindi pa rin siya kumbinsido pero kahit paano ay may nabuksan sa isip niya.
"Babe?" Pumasok sa silid na iyon si Rey. Sa loob ng dalawang araw ay hindi rin ito pumasok sa trabaho. Pinaubaya nito muna kay Jomar ang lahat ng trabaho sa agency nila. Hindi nito kasi maiwan ang mag-ina nito sa ganitong sitwasyon.
"Jhie, I'll call you back," paalam na ni Faith kay Jhie.
"Okay, don't worry dito sa agency kami nang bahala ni Jomar. Ayusin niyo muna ang problema niyo kay Honey at pag-isipan mo sana lahat nang sinabi ko."
Walang kalatoy-latoy na tumango siya. Namatay na ang linya pagkatapos pindutin ni Jhie ang isang button.
"Nakausap mo ang anak mo? What did she tell you?" tanong niya sa asawa nang harapin niya ito. Salitan sila ni Rey na kumakausap sa kanilang anak at sana may napala ito ngayon.
Inakbayan siya ng asawa. "Sa tingin ko hindi natin siya mapipigilan. Kanina ay ipinakita niya sa 'kin ang kakayahan niya. Katulad na katulad mo siya, Babe. 'Yong mga istilo mo, kuhang-kuha niya. At nakita ko rin na masayang-masaya siya sa ginagawa niya."
Nakagat niya ang kanyang isang hintuturo. "So, sinasabi mo rin ba sa akin ngayon na tanggapin ko na lang na ganito rin ang anak ko?"
Atubiling tumango si Rey dahilan para mapasinghap siya. "Rey, parang 'di ko kaya na makita siyang masaktan. Alam mo na kahit lamok lang ay ayoko siyang madapuanng makita ko pa kaya siyang nakikipaglaban? Jusko naman!"
"Faith, wala kang dapat ipag-alala. Magaling ang anak natin. Nagmana siya sa 'yo. Kung nakita mo lang sana siya kanina, nakita mo sana na ang galing niya sa mga espada, lalo na sa baril. Parang ikaw talaga siya," pambibida ni Rey sa anak.
Naihilamos niya ang kanyang palad sa mukha. God, bakit nagaya ang anak niya sa kanya? Anong nagawa niyang mali? Gayong simula't sapul kahit kutsilyo ay halos hindi niya pinakitaan ito?
Niyakap siya ng asawa at hinaplos-haplos ang braso.
"Relax, Babe, sa tingin ko dapat mo lang makita kung ano ang kakayahan ng ating anak para mapanatag ka. At may paraan na si Dad. Don't worry," pag-aalo ulit ng asawa sa kanya.
Kumalas siya. "What do you mean by that? Ano na naman ang binabalak ni Dad?"
Hindi sumagot si Rey bagkus ay hinalikan siya nito sa labi. Mas nadagdagan ang kaniyang mga agam-agam.
**********
PAGSAPIT NG GABI ay takang-taka si Faith bakit dinala siya ni Rey sa isang silid ng bahay nila. Naroon ang kanyang Dad.
"What are we going to do here?" malamig niyang tanong sa dalawa. Napansin niya agad ang maraming computer sa harapan nang kinauupuan ng kanyang ama.
Ngumiti sa kanya si Don Savillano. "Panoorin mo, Faith, kung gaano kagaling ang anak mo sa kabila ng mura niyang edad at sigurado, pagkatapos nito ay magtitiwala ka na rin sa kanya."
Umawang ang mga labi niya. Tumingin siya kay Rey. Ngumiti ito sa kanya.
"Sir, tawag niyo po ako?" Pumasok ang yaya ng anak nilang si Jamaica.
"Jamaica, dito ka lang at manood ka rin. Kahit na anong makita mo ay ipangako mong wala kang pagsasabihan at gagawin. Naiintindihan mo ba?" sabi ni Rey rito.
"Opo," mahinhing sagot ng dalaga. Magkasalikop ang kamay nito sa likod na tumayo sa isang tabi. Ito ang yaya ng kanilang anak at pinagkakatiwalaan dahil ito ang kasambahay nila na nakakaalam ng lahat ng sekreto nila.
Mas kinabahan si Faith. "Ano bang palabas 'to kasi?" naiinip na tanong niya na nababahala ang hitsura. Naglipat-lipat ang tingin niya sa asawa at sa ama.
Hindi na nga pinatagal pa ni Don Savillano ang palabas. May pinindot na ito at nagbukas na ang mga monitor ng mga computer. Makikita na roon si Honey na natutulog sa silid nito. Tapos ay may pinindot din si Don Savillano sa tainga nito. "Oras na. Alalahanin mo, kung hindi mo siya magagahasa ay brutal na papatayin kita."
Napanganga siya sa narinig. Gets na niya ang gustong ipanood sa kanya ng ama. "No, Dad! You can't do this to your granddaughter!" pagwawala niya agad. Akma siyang aalis at ililigtas ang kanyang anak.
Buti na lang at nahawakan siya agad ni Rey. "Babe, kalma lang kasi."
Isang sampal ang pinakawalan niya na dumapo sa pisngi ng asawa. "Isa ka rin!" Ta's galit na galit na singhal at duro niya rito. "Anong klase kang ama kung maaatim mong panoorin ang anak mo habang tatangkaing gagahasain, hah?! Sh*t you!"
"Babe, ano ka ba naman? Sa tingin mo papayag ako rito kung wala akong tiwala sa anak natin? Magaling si Honey. Naniniwala ako na malalampasan niya ito. Ikaw lang naman kasi ang walang tiwala sa anak mo, eh!" Lumakas na rin ang boses ni Rey.
Tahimik na nakikinig lamang si Don Savillano sa mag-asawa habang pinapanood sa monitor ang dahan-dahan nang pagpasok ng isang lalaking malaki ang katawan at tadtad ng tattoo sa loob ng bahay. Nasa sala pa lang ito at palinga-linga.
Si Jamaica ay tahimik lang din, pero makikita sa mukha rin nito na nag-aalala rin sa alaga.
"Stop this bulsh*t! Or else ako ang makakalaban niyo!" babala na ni Faith. Akmang lalabas ulit siya ng silid para puntahan ang anak pero hinapit siya sa tiyan ni Rey at niyakap nang mahigpit.
"Please, magtiwala ka sa anak mo, Faith, para matapos na ang hidwaan niyong dalawa. Dapat mo lang makita na kaya niya ring makipaglaban tulad mo," at sumamo nito sa kanya.
"No! Let me go!" piksi niya. Kinalmot at sinabunutan niya ang asawa.
Walang nagawa si Rey kundi ang buhatin ang asawa at ibalik sa harap ng monitor.
"Mga wala kayong kuwenta! Ipapagahasa niyo ang anak ko! Mga hayup kayo! I will never forgive you!" pagwawala pa rin niya.
'Yung lalaki sa monitor nakaakyat na sa second floor ng bahay nila. Hinahanap na lamang nito kung nasaaan ang kuwarto ng batang gagasahain daw nito kapalit ng buhay nito.
"Faith, stop it! Sa tingin mo ba hahayaan ko na magtagumpay ang lalaking 'yan? May inilagay ako sa silid ng anak mo kaya kumalma ka lang. Stop acting like a kid." Nairita na si Don Savillano.
Napasinghap siya sa hangin. "So, ako pa itong isip bata ngayon gayong kayo ang naglalaro sa anak ko! Isipin niyo nga! Tama ba ang ginagawa niyo sa isang bata?" Tuluyan na siyang napaiyak.
"Babe, ganito na lang," mahinahong pagpapaliwanag ulit ni Rey sa kanya. "Manood ka muna tapos kung hindi makayanan ni Honey ang lalaking 'yan, pangako, kasama mo na kami ni Dad na pipigil sa kanya sa gusto niya. Kami na mismo ni Dad ang pipigil at kakausap sa kanya na kalimutan na niya ang kagustohan niyang maging tulad natin."
"Paano kung mapahamak siya?" Namilisbis ang luha niya. Inalagaan niya ang anak niya nang husto. Tapos ganito lang ang mangyayari, ang sasaktan ng ibang tao?! Hindi siya makakapayag!
"Babe, hindi 'yon mangyayari. Kaya please pagbigyan mo kami. 'Wag kang mag-alala ito na ang last, kapag hindi magtagumpay rito ang anak natin ay titigil na si Dad sa pagtuturo sa sa kanya." Hinalikan siya ulit ni Rey sa noo.
Masama ang tinging pinukol niya sa ama. Tinginan silang mag-ama. Tapos ay tumango si Don Savillano bilang pakikipag-deal sa kanya.
Pagtingin niya sa monitor ay nasa loob na ng kuwarto ni Honey ang lalaki. Napahugot siya nang malalim na hininga nang makita niyang inaalis na ng lalaki ang kumot ng kanyang anak na natutulog. Napakuyom siya ng mga kamao niya.
"Relax, Babe. Magtiwala ka sa anak mo," bulong ni Rey sa kanya.......