Nagsenyas sa akin si Wallace na huwag daw akong maingay. Ngunit bago umalis sa aking harapan ay inayos muna ng lalaki ang aking kasuotan. Mariing din akong hinalikan sa akin labi, hanggang sa maingat itong humakbang. Ako naman ay nakasunod lamang sa lalaki. Maingat din itong sumilip sa bintana upang tingnan kung may tao ba sa labas ng bahay namin. Lumapit din ako sa kabilang bintana. At doon ko nakita ang mga anino na kanya-kanyang tago sa dilim. Umiling-iling na lamang ako. Hanggang sa pumasok ako sa kwarto ng mga magulang ko. Agad kong kinuha ang megaphone. Pagkatapos ay muling lumalapit sa tapat ng bintana. “Huwag na kayong magtago dahil nakikita ko na kayo. Huwag ninyong hintayin basabugin ko kayo ng granada---” “Hey! Ano’ng ginagawa mo?” Agad ding inagaw sa akin ni Wallace ang ha