Salubong ang kilay ko habang nakatingin kay Moonzyke Torio. Nakatingin din ako sa hawak na baril nito. At nakikita kong wala pa itong balak na kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak niya. Ngunit biglang kumunot ang noo ng babae nang tumingin sa mga reporters. Aba! Mukang ngayon lang nito nakita na may reporters akong kasama. Bigla tuloy itong napaurong mayamaya pa'y maliksing tumakbo papalayo. Agad akong bumaling sa aking mga tauhan sa ‘di kalayuan. Pa-simple akong tumango sa kanila at alam na nila kung ano ang dapat nilang gawin kay Moonzyke. Hanggang sa tumingin ako sa mga reporters. “Pasensya na kayo sa mga nangyari, hindi ko rin alam kung papaano nakatakas sa kulungan si Moonzyke Torio. Maliban na lang kung may nagpatakas sa babaeng ‘yun,” anas ko sa kanila. “Ayos lang ‘yun, Ms.