HINDI ka agad nagsalita ang lalaki sa kabilang linya, mukhang nag-iisip pa ito kung totoo ba ang sinasabi ko o hindi. Mayamaya pa'y malakas na tumawa ang lalaking baliw. “Ikaw ang kamalasan ka? Baliw ka ba babae? Oh! Baka naman type mo lang ako. Sige, pagbibigyan kita, ngayon din ay pumunta ka aking bahay at hihintayin kita at maglalaro tayong dalawa!” Hanggang sa i-off na nito ang cellphone. Iiling-iling na lamang ako. Pagkatapos ay muling tumingin sa tatlong lalaki. Napatingin naman ako sa mga tauhan ni Wallace na papalapit. At nang makita nila ako ay dali-dali silang lumapit sa akin at sana mukha rin nila ang pag-aalala. “Dalhin ninyo ang tatlong iyan kay Wallace dahil sila ang sumunog ng mga palay ng pamilya Barnes !” mariing sabi ko. “Gago kayo!” sigaw ng tauhan ng asawa ko at ma