Maliksi kong inangat ang aking kamay upang humawak sa baging. Ang masama pa'y muli na manang bumuhos ang malakas ng ulan kaya lalong dumulan ang baging na hinahawakan ko. Ngunit kailangan kong makahawak dito nang mahigpit upang hindi ako mahulog. “Hazel!” Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa boses ni Wallace. At ito'y malayo sa akin. Parang nasa ibaba na ito ng bangin. s**t! “Wallace, na saan ka?!” pasigaw na tanong ko sa lalaki. Sana lang ay marinig ako nito, lalo at sobrang lakas ng ulan. Isabay pang ang dilim ng buong paligid. Ngunit bigla akong kinabahan ng hindi ko na marinig ang boses ng aking asawa. Gosh! Sana lang ay okay lang ito. “Wallace, ayos ka lang ba riyan?!” tanong kong pasigaw ulit sa akin sa aking asawa, lalo at sobra-sobra na akong nag-aalala. Labis na ring kumabog ang