(MR. TULOSE'S POV) Agad akong umalis sa mula sa pakakalugmok ko sa lupa. Medyo nakaramdam din ako ng sakit ng aking katawan dahil sa pagkabasag ng katawan ni Barnes sa akin. Hayop! Hanggang sa makita kong tumayo pa rin ito kahit may tali na ang paa at kamay. Napapailing na lamang ako sa kayabanga ng lalaki. “Ibigay mo na lang kasi sa aking ang memory card upang hindi ka na masaktan pa, bakit naman kasi ang tigas ng bungo mo Barnes, pati asawa mo ay ipapahamak mo dahil gago ka at nagmamayabang! Akala mo kayang-kaya mong harapan ng Bullet Syndicate!” malakas na sigaw ko kay Barnes. Habang ang mga mata ko ay nanlilisik din na nakatingin dito. Ngunit malakas na tumawa ang hayop na Barnes. At tila inaasar pa ako. At hindi man lang ito natatakot sa mga pagbabanta ko sa kanya. “Kilala ko ang