Muli akong tumingin sa aking boss at mukhang may nilulutong plano para sa aking asawa. Si Wallace naman ay walang kaalam-alam sa balak ng isang Zach Fuentebella. “Mr. Barnes, kailangan ko nang umalis. Hanggang sa muli nating pagkikita,” paalam ni boss Zach sa aking asawa. Ngunit pa-simple na naman na tumingin sa akin si boss Zach. Iiling-iling na lamang ako sa kapilyuhan ng boss kong mukhang pera. Hanggang sa yayain na rin ako ni Wallace na umalis dahil naghihintay na raw sa amin ang private helicopter na sasakyan namin papunta sa lunsod. Hanggang sa muli akong tumingin kay Wallace. Seryoso lamang itong nakaharap sa laptop niya. Hindi naman ito ang nagdriver ng kotse kundi ang tauhan nito na si Blaco. Hindi nagtagal ay karating kami na kung na saan naroon ang private helicopter ng lal