Habang patuloy kaming nagpapagulong-gulong ni Wallace sa malambot na lupa ay agad ko namang kinuha ang baril na aking dala-dala, mabilis ko itong inumang papunta sa mga kalaban namin at magkakasunod kong kinalabit ang gatilyo. Hanggang sa mapunta kami sa likod ng malaking bato. Dali-dali kaming nagtago rito ng asawa ko. Lalo at patuloy pa rin nila kaming binabaril. Tumingin ako sa noo ng asawa ko na patuloy pa ring dumudugo, dali-dali ko namang pinunit ang laylayan ng suot kong damit, mabilis kong inilagay sa noo ni Wallace ang tela upang kahit papaano ay umampat ang dugo. Baka ito pa ang dahil ng tuluyan pagkahilo nito. “Ayos ka lang ba, Hazel? Hindi ka ba nila sinaktan?” tanong sa akin ni Wallace. “Ayos lang ako, my husband. Ikaw ang dapat kung tanungin kung kamustaa ka na, tingnan m