Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa babaeng doctor. Parang gusto ko itong sakalin nang sobra-sobra upang matigok na. Hanggang sa pumasok ito at narinig ko ring ini-lock nito ang pinto ng kwartong ito. Pa-simple ko namang kinuha ang aking cellphone upang i-record ang mga pinag-uusapan sa kwartong ito. “Sabihin nga ninyo sa akin, sinong nag-utos na gamotin pa ang batang iyan? Alam na alam naman natin na patay na siya kanina, ‘di ba?!” sigaw ng babaeng doctor. Tangka na sana akong magsasalita nang maunahan ako ng Ina ng bata. Galit na galit itong tumingin sa doctor na mala-demonyo ang pag-uugali. “Hayop kayo! Buhay pa pala ang aking anak, gusto na ninyong mamatay. Kakasuhan ko kayo pati ang hospital na ito!” sigaw ng Ginang sa doctor. ‘’Kaya mo ba? Baka sa kangkungan ang bagsak