TATLONG araw ang matuling lumipas at tatlong araw na rin akong nagpapahinga, oras na ulit upang kumilos ako para sa aking misyon. At sa loob din ng tatlong araw ay talagang nagpasasa kami ng asawa ko sa sarap. Napapangiti na lamang ako ng wala sa oras, sa tuwing iisipin ako ang mga pinag-gagawa namin ni Wallace sa bahay na ito. Bigla na naman akong napatingin sa pinto ng aking kwarto, bumukas ito at pumasok si Wallace na bihis na bihis na. May pupuntahan kasi ito at dalawang araw na hindi kami magkikita, ngunit napansin kong parang ayaw pa nitong umalis, siguro kung hindi mahalaga ang pupuntahan nito ay hindi ito aalis dito sa aking tabi. Agad na lumapit si Wallace sa aking tabi at inilapit ng lalaki ang labi niya sa akin labi at mariin akong hinalikan nito. Damang-dama ko ang pang-