(WALLACE’S POV) (ALA-ALA NG NAKALIPAS NA KAHAPON PART 2) HUMINTO muna ako sa pagsasalita, habang nakatingin ako sa aking katapid. Hindi ko talaga matanggap ang ginawa nito sa kanyang sarili o sa katawan nito. Hanggang sa magkakasunod ko tuloy nahilot ang aking noo. Mayamaya pa'y tumalikod na lamang ako rito. Ngunit hinawakan ng kapatid ko ang aking braso. Nasa mukha nito ang pagsusumamo sa akin. Kahit na iinis ay hinayaan ko na lamang ito na magsalita. “Wallace, bakit hindi mo na lang matanggap ang buong pagkatao ko? Saka, heto talaga ako! Ano'ng magagawa ko. Saka, pera ko naman ang aking ginamit hindi ang pera mo!” “Bahala ka na nga, iyan ang gusto mo. . . Para sa akin tanggap kita bilang ano o sino ka pa. Dahil kakambal kita. Ngunit nang ipaalis mo ang iyong dibdib at ganoon din a