KABANATA 2

2111 Words
Kabanata 2 Pakiramdam ng dalagang si Mariella na nakalibing sa hukay ang kanyang isang paa nang matagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang silid. Natutukso na siyang batukan ang kanyang sarili dahil basta-basta na lamang siyang sumama sa hindi niya kakilala. Pakiramdam niya'y nahihipnotismo siya sa bawat titig at hawak ng lalaki. Kung bakit napapasunod na lang siya ng estrangherong lalaki ay hindi niya rin alam. Basta isa lang ang malinaw sa magulong utak ngayon ni Mariella. Iyon ay ang napapatanga siya sa taglay na kagandahang lalaki ng nilalang na basta na lamang humatak sa kanya. She was real tipsy but her brain is still functioning properly and being in the same room with a total handsome-matinée-hunky-idol-alike is completely freaking her cells out. Ayaw niya lang ipahalata ang abot-hukay na takot niya sa lalaking ngayo'y sakim na nilalantakan ang kanyang mga not-so-pearky boobies. "Are you still a minor, aren't you?" Napamulagat ang mga mata ni Mariella dahil sa tanong ng lalaki. Hindi niya napansing pinakawalan na pala nito ang dibdib niya. She felt so ashamed of herself cause she's still wearing her orgasmic expression. "H—ha?" She was taken aback when the shirtless Adonis smirked at her devilishly. "Mute pala, ha!" Guinoo! "Nevermind! Pero hindi ka ba talaga menor de edad?" He asked again. "T—twenty five." Utal na tukoy ng dalaga sa kanyang edad. "Seriously? Twenty five with a teenie-boobies? I wanna laugh!" Tila nabuhay ang mailap na inis ni Mariella nang hindi nag-atubili ang lalaki na insultuhin siya. Palihim niyang naikuyom ang kanyang palad. Aaminin niyang hindi naman kalakihan ang hinaharap niya. So what? Sa profession niya bilang teacher ay hindi naman qualification ang laki ng hinaharap. Ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi niya mapigilang makaramdam ng insecurity sa katawan. Antipatiko 'tong lalaking 'to! Akmang sasakmalin na naman ng naturang lalaki ang kanyang dibdib nang pinigilan niya ito. Enough with the stupidity, Yeng. She woke herself up. "What? Ayaw mo na? Hindi ba nasasarapan ka naman sa ginagawa ko? Why bothered all of a sudden?" Malinaw ang iritasyon sa boses ng lalaki. "O—oo nga pero kasi.." Napalunok siya saka mabilisang nag-isip ng epektibong palusot upang matakasan niya ang manyak na lalaking ito. Nagpaubaya na nga siya pero sa huli ay siya pa itong nainsulto. Ha! The guy stared at her with a visible boredom all over his courtly face. "Kasi gusto ko pang uminom. Puwede bang shot pa tayo bago tayo mag-ano.. Mag-mingle ba gano'n. Mingle, inter, intermingle basta iyon." Napakurap si Mariella nang mahinang natawa ang lalaki. Para itong Holy and Mighty Hollywood actor na sa magazine at social media lang niya namomolestiya. Mariella is professional outside but naughty when she's alone in her wide imagination. Dumistansya ito sa kanya. She's still catching her breath. "Fine. You stay here— your name?" "Mar— ano, Yeng na lang." "Woah! Cute name. Sakto naghahanap iyong kaibigan ko ng ipapangalan sa kuting niya. It could be perfect. I'm gonna tell him." Cancerous talaga ang bunganga ng antipatikong 'to. Nagkunwari pa ring maayos si Mariella sa kabila nang sumisibol na inis sa kaloob-looban niya para sa lalaki. Kunting tiis na lang, Yeng. Makakaalis ka na rin. She cheered herself up. "Ikaw ba? Pangalan mo?" "Eszio." E sa'yo ang dating no'n sa pandinig ni Mariella kaya napakunot-noo siya. "Yeng nga. Yeng ako. Ikaw ba?" The guy shook his head sideways and gloriously rolled his eyeball. "Ang pangalan ko ay E—ZI—YO. Intiendes?" Ah.. Ngumisi naman si Mariella. "Woah! Ang cute naman ng name mo. Sakto kasi bagong panganak iyong aso namin." Umakting na excited si Mariella. "It could be perfect. I'm gonna tell his mother doogy." Panggagaya niya sa sinabi kanina ng binata. Nalusaw ang kapilyahan ng dalaga nang ginawaran siya ng nakakahalinang ngisi ng binata. Iyong klase ng ngisi na may nakakubling libu-libong kalokohan. Kinutuban siya. "Now that you mention the doogy thing, if I were you, I'd probably start calling all Saints that I've known to bless my body and soul. Ma-do-doogy ka mamaya, trust me, Yeng. Trust me." Ilang daang beses na napalunok si Yeng nang maintindihan niya ang mga katagang iyon ng pilyong binata. Dali-daling inayos ni Mariella ang kanyang damit. Kinakabahang pinakiramdaman niya ang labas ng silid at nang masigurong tahimik na sa labas ay nagmamadali na siyang lumabas. Sa takot na makasalubong ang antipatikong lalaki sa elevator ay naisipan ni Mariella na gamitin ang hagdan. Para siyang sumabak sa triathlon race nang makaalis siya ng hotel. Ngunit laking kaginhawaan sa parte niya nang tuluyan na siyang makaalis sa lugar na iyon. Sapu-sapo ni Mariella ang kanyang dibdib na labis ang kaba. Ugh! Kinamumuhian ko na talaga ang mga guwapo. Hindi nilulubayan ng nakakalokong ngiti ang mga labi ng binatang si Eszio habang pabalik siya sa penthouse niya dala ang isang bote ng Montana Reserve. He thought that the cute woman named Yeng needed something like alcohol to boosts her libido more. Silly woman! Eszio mumbled while still grinning like a Cheshire cat. Excited siya sa ideyang may ma-co-corrupt na naman siyang isang inosenti at virgin na dalaga. He's feeling so great. Habang papalapit na siya sa penthouse niya ay nakatanggap siya ng text message mula sa isang reliable source niya. He received an article link and he unhesitatingly opened it up, only to see that his supposed to be object of lust tonight, Savannah Yuson is with Walter Bianco on a date— a young business tycoon in real state world na mahigpit na kakumpitensya niya sa napakaraming bagay. Halos madurog na ang cellphone sa kamay niya. He felt so insulted by what he found out. Si Eszio ay tipong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Sa negosyo man o sa mga babaeng tipo niya. Hindi maaaring maungusan siya ng iba lalo na ni Bianco. He will get even and that's for sure. Tuluyan nang nasira ang kaarawan ni Eszio nang madatnan niyang wala ang dalaga sa Penthouse niya. Sa galit ay binasag niya sa sahig ang dalang bote ng alak. Damn you, woman! Trust me, I'm gonna hunt you down and I'll make you pay for escaping and for ruining my night. Kinabukasan ay sumama pa rin ang binatang si Eszio sa plano nilang island hopping kasama ang kanyang mga kaibigan kahit nababagot at badtrip pa rin siya sa nangyari kagabi. "You look pitiful, Esz! Worst birthday, wasn't it?" Tudyo sa kanya ng kaibigang si Zurick. Actually kanina pa siya nito inaasar hindi lang niya pinapatulan. "I'm gonna find her." Eszio absentmindedly uttered while hitting his lit cigar. He's Eszio Fabian, sole heir of the well-known French-Filipino multi-billionaire Peter Fabian at lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya and that Yeng woman is not exempted. He'll have her back within twenty four. "Her? The Yuson Doctor who's now flirting with your mortal foe Bianco?" "Not her." Isa pa ang babaeng iyon. She's getting on my nerve and I promised to get on her pants when I get back to Manila. "Okay. Let's cut this out! Usap tayo mamaya." Paalam ni Zurick sa kanya at tumakbo ito sa paparating na babae na kapatid ng isa pa nilang kaibigan na si de Gracia. Sumampa na si Eszio sa kanyang wave runner. Si Zurick naman at Reverie ay sa jet boat. Doz and Tres have their jet ski each for them. Mag-lilibang-libang na lamang muna si Eszio upang mapawi ang pagkayamot niya. "Sa isla Lazaro tayo. Unahin natin sa de dos tapos sa de uno na. Taralets!" Reverie excitedly yelped their plan destination. Pinasibad na rin ni Eszio ang wave runner niya. Naka-distansya siya sa kanyang mga kaibigan. Habang nasa kalagitnaan ng karagatan ay napalingon si Eszio sa pampasaherong bangka nang may isang pigura doon na pamilyar sa mga mata niya. He stopped the engine of his wave runner and took off his aviator sunglasses to have a clear view of the familiar woman. Napangisi siya nang makumpermang iyon nga ang babaeng nang-iwan sa kanya sa ere kagabi. Abandoning him with a fѷcking blue balls. Hindi siya nagdalawang-isip na sundan ang babae hanggang sa huli ay dinala siya ng kanyang mga paa sa Casa de Araujo dahil doon niya nakitang pumasok ang sinusundang babae. — "Tita Grace, magandang umaga po!" Malugod na bati ni Mariella sa Tita Grace niya na Ina ni Quill nang makita niya ito sa hardin ng de Araujo residence. Binitiwan ng ginang ang hawak na water hose upang batiin pabalik si Mariella. "Magandang umaga rin saiyo, Yeng. Gumaganda yata tayo ngayon, ah!" Nahihiyang ngumiti ang dalaga sa ginang. Mula noong bata pa lang si Mariella ay likas na mabuti na ang pakikitungo sa kanila ng nasabing ginang. Mabait ito sa kanya at sa pamilya niya. Ilang taon din kasing pinagsilbihan ng Mama niya ang pamilya de Araujo. At habang nag-aaral siya noon ay tinutulungan niya rin ang Mamang niya sa trabaho nito sa bahay ng mga de Araujo at doon nga nahulog ang loob niya kay Quill. "Hindi naman po, Tita. Ah, ito po pala ang in-order ninyong tuyo at daing kay Mamang." Inabot ni Mariella ang dala niyang supot sa ginang saka ibinigay nito ang bayad sa dalaga at nagpaalam na siya. Papalabas na sana siya ng tarangkahan nang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. "Yehla, sandali." Reaksyon pa lamang ng puso niya ay kilalang-kilala na niya kung sino iyon at isang lalaki lang naman ang tumatawag sa kanya ng Yehla. Si Quill. Her heart was in race. Hindi niya ito pinansin. Gusto na niyang makaalis dahil ayaw niyang makausap ang lalaki ngunit mabilis siya nitong nahawakan sa braso. "ANO?" She raised her voice at him. "I missed you. Ilang araw mo na akong iniiwasan." Malambing na wika ng lalaki. Lumakas na naman ang t***k ng dibdib niya. She wished that he meant those words like the way she wanted. In a romantic way. Pero batid niyang miss lang siya nito bilang kaibigan. "Busy ako sa school event namin." Alibi niya. Ngunit ang totoo ay sinasadya niya talagang idistansya ang sarili mula sa binata. Hindi niya kasi kayang sagipin ang sarili mula sa kahibangan niya sa tuwing nasa tabi niya si Quill. Lalo lang siyang nilulunod ng pag-ibig niya para kay Quill sa tuwing kasama niya ito at torture iyon sa kanya dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi naman nito masusuklian ang nararamdaman niya para rito. Naistatwa si Mariella nang biglang yinapos siya ni Quill. Naliliyo siya sa bango nito at halos marinig na niya ang kabog ng puso niya. "At sino iyong kahalikan mong lalaki kagabi? Mabuti na lang at walang masyadong nakapansin sa inyo dahil kung hindi ay malalagay sa peligro ang propesyon mo." Natahimik si Mariella. Iyon din ang isa pang bumabagabag sa kalooban niya. Hindi siya nagsalita. Nakuha naman kaagad ni Quill na iniiwasan ni Mariella ang paksang iyon. "Puwede bang dito ka matulog mamayang gabi? Aalis kasi si Mommy. Wala akong kasama." Mahina niyang itinulak ang binata dahilan upang ito ay sumimangot. "Quill, ayaw ko. Hindi na ako makikituloy dito sa inyo. B—baka kung ano pang isipin ng girlfriend mo." "E pa'no iyan? Alam mo namang mas gusto ko na kasama kita rito. Isa pa, alam naman ni Dianne na kapatid na ang turing ko saiyo." OUCH! "But the feeling is not mutual. Alam mo namang mas malalim pa que sa sa kapatid ang tingin ko saiyo." Naiiyak na pahayag ni Mariella. Hindi naman niya kasi inililihim ang nararamdaman niya kay Quill. Alam ng binata na mahal niya ito. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit hindi siya magawang tingnan nito sa paraang gusto niya. She's getting sick for loving a man who doesn't love her back and it hurts like hell. "Quill, alam mo namang m—mahal kita." Napayuko siya nang hindi na nag-atubili pang magtanghal ng mga luha niya. Sandaling natigilan ang binatang kausap ni Mariella. "Yehla, mahal din naman kita. You're like a sister to me that I hasn't had. Mahal kita dahil ikaw ang palaging nandyan sa tuwing may problema ako o nag-iisa ako pero—" "Pero hindi mo ako kayang mahalin nang higit pa sa isang kaibigan. Okay na, Quill. Tanggap ko na pero nakikiusap ako na sana pabayaan mo na lamang muna ako kung nais kong umiwas saiyo. Aayusin ko muna ang sarili ko. Saka na tayo mag-usap kapag wala na akong nararamdaman para saiyo. Alis na ako!" Linisan ni Mariella ang Casa de Araujo nang umiiyak. Napapahikbi siya habang tinatahak ang daan palayo. At dahil sa pagdadrama niya ay hindi niya napansin ang binatang nakaharang sa dinaraanan niya. Nabunggo niya ito. Pero imbes na lumayo siya sa nabunggong lalaki ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na yakap-yakap ng lalaking kaharap. "Know what? Crying is good for the soul but crying is better when you have a shoulder that you can cry on and you can count on me. Hmm, Yeng?!" ©MaribelleVerzosa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD