Kabanata 18 KINAUMAGAHAN ay naunang nagising si Mariella at naisip niya na ipagluto si Eszio. Lasing ito kagabi kaya kailangan nito ng pagkain para sa hangover nito. An egg drop soup will do, she thought. "Do you called this a food, seriously?" May pangungutya ang tinig ni Eszio nang natikman nito ang niluto niya. Imbes na singhalan pabalik ang binata ay minabuti na lamang ni Mariella na manahimik. Aminado naman kasi siya na hindi siya ganoon kagaling magluto. Walang imik na binawi ni Mariella ang mangkok na may lamang soup mula kay Eszio. Effort wasted. Nag-abala pa talaga siya na ihatid iyon sa silid. Naisip niya na baka may lihim na galit talaga sa kanya ang binata kaya kahit ang niluto niya ay hindi pa nito ma-appreciate. Naiinis ang kalooban niya. "Put that down." Utos ng bin