Read at your own risk. Kabanata 16 Mula sa Panglao kung saan naroon ang resort ni Eszio ay dinala niya ang dalaga sa Dauis upang doon magpalipas ng gabi sa ancestral villa na pag-aari ng mga great ancestors niya mula sa side ng kanyang Lola. "Seryoso ka pala no'ng sinabi mong taga Dauis ka. Akala ko kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi mo sa akin noon. Akalain mo iyon, galing ka nga talaga sa tanyag na angkan ng mga Severino." Anang dalaga habang papasok sila sa villa. Nilakad na lamang nila ang nasa thirty meters na pathway papunta sa bunganga ng lumang villa. Kalat na kalat sa daan ang mga tuyong dahon mula sa mga puno't halaman na nakatanim sa mga gilid-gilid. Matandang mag-asawa kasi ang caretaker ng villa na iyon at mahigit dekada na rin noong huli itong nabisita ng pamilya