First day of school
Nagising ako sa palahaw ng aking ina, "shawn gumising kana dyan at maghanda kana para sa pagpasok mo" yung mga kapatid mo wag mong kalimutang gisingin at pakainin para hindi sila mahuli sa eskwela bago ka umalis" iniwan ko na dyan sa ibabaw ng lamesa ang mga baon nyong magkakapatid" pagpasensyahan nyo at yan lang ang pera natin ngayon" mauna na akong umalis at kailangang maaga ako doon sa bukid para sa pagtatalok, sabi ng aking ina, opo nay mag iingat po kayo nasabi ko na lamang, pagkasara ko ng pinto naghanda na din ako ng mga kailangan ko para sa pagpasok. Ginising ko na rin ang kapatid kung sina Jena,jay ar at Ron para makapaghanda na din sila sa pagpasok.
Panganay ako sa aming magkakapatid, isa akong tomboy na hindi makapag out sa bahay dahil takot ako sa magiging reaksyon ng aking ina para sa akin. Matagal na panahon na din ng iwan kami ng aming ama upang sumama sa ibang babae sa maynila.. Pero kahit ganun matapang na hinarap ng aking ina ang pagbuhay sa aming magkakapatid ng walang tulong ng aking ama. Saludo ako sa lakas ng loob at determinasyon ng nanay ko upang itaguyod kami. Nangako ako sa sarili ko na paghuhusayan ko ang pag aaral upang kahit papano ay maging proud sya sakin pagdating ng araw. Jena kaw na bahala sa.mga kapatid natin sa school nyo hah. Si Mae iwan mo muna kina lola sabihin mo umalis ang inay para. Pumunta sa bukid. Bilin ko sa.kapatid ko bago ako umalis upang pumasok sa aking eskwelahan.
Porfirio G. Comia national high school ang eskwelang papasukan ko isa sa mga kilalang eskwelahan sa aming lugar. Unang araw ng eskwela namin. Nang makarating ako sa aking silid dali dali akong naupo sa aking upuan. sakto namang dating ng aming adviser. "Goodmorning maam" sabay sabay na bungad pagbati naming lahat sa aming magiging adviser, goodmorning class my name is maam Remy Dipasupil and i will be your class adviser from now. Now, i want you to get a 1/4sheet of paper kindly write your complete name, after that i will call you one by one and then introduce yourself to your classmates ok.. mahabang turan ng aming adviser."yes maam" sabay sabay naming sagot..
Makailang sandali tinawag na isa isa ng aming adviser ang mga kaklase ko upang magpakilala, dahil unang araw ng pasukan medyo nagkakahiyaan pa, hanggang sa ako na ang sunod na tinawag. Ok next Shawn Mateo tawag sa akin ng aming adviser, Hi good morning ako nga pala si Shawn Mateo kinagagalak ko kayong makilala, sana magkaroon tayo ng magandang samahan dito sa ating silid yun lamang at maraming salamat.. matapos magkakilanlan nag umpisa ng magturo ang aming adviser. Matapos ang ilang sandali nag iwan lang sya sa amin ng assignment bago sya umalis. Tajimik akong nagsusulat ng kausapin ako ng katabi kong babae.. Hi! Ako nga pla si Estelita pwde ba kitang maging kaibigan.tipid na ngumiti ako sa kanya at nagsabing wala naman problema sakin.. kwentuhan at tanungan about sa personal life, kung tagasaan kami.. hanggang sa nakapalagayan ko na sya ng loob.. oras ng reccess namin.. sabay na din kami nagreccess kasama namin si Godfrey isang bakla na sobrang kulit.
Habang kumakain kami sa canteen wala na kaming ginawa kundi magtawanan ng magtawanan dahil sa sobrang kakulitan ng kaklase naming c Godfrey.. wala kasi syang ginawa kundi magpacute sa mga gwapong lalaki raw kuno para sa kanya.. dahil wala naman akong kahilig hilig sa lalaki natatawa na lang ako sa kanya.. biniro ko pa sya na ok lang sana kung chicks ang papakilala nya sakin di sana happy ang lahat.. sinakyan nya ang biro ko at mukang may balak pang totohanin.. umalis sya sa upuan namin at may kinausap na babae sa kabilang mesa.. pagbalik nya kasama nya na yung babaeng kausap nya kanina.. oh Shawn request mo.. fresh na fresh pa dyan sa bulaklak na nasa harapan mo. hahahahaha turan nito habang nakangiti.. Chay si Shawn classmate ko tomboy yan at naghahanap ng majojowa.. baka gusto mo lang naman hahahaha.. pangungulit ni Godfrey..Loko ka talaga frey, hi Shawn musta ka ako nga pla c chay.. bati sakin nito.. sa sobrang hiya di agad ako nakapagsalita.. inabot ko na lang ang kamay nito na nakalahad upang makipaghandshake sakin at tipid na napangiti sabay sabing Shawn nga pla nice to meet you Chay.. Umupo na din eto sa tabi ko at nakipagkwentuhan.. hanggang sa matapos ang reccess namin bumalik na din kami sa aming mga classroom. Nang makapasok kami sa room namin di na maalis sa isip ko c chay.. sa totoo lang maganda sya morena at tahimik na babae lang.. mukang mabait din sya at malambing. Nasa malalim akong pag iisip ng sikuhin ako ng katabi ko dahil kanina pa pla nya ko kinakausap.. ano bang nangyayari sayo Shawn natulala kana dyan nakilala mo lang si Chay kanina.. panunudyo sa akin ni Estelita.. hahahahaha di naman sa ganun.. pagpapalusot ko na lamang..
Matatapos na ang huling klase namin ngayong hapon ng makita ko sa labas si chay nakaupo sila sa munting paraiso isang maliit na parang park sa aming paaralan.. may kasama sya doon na dalawang babae at isang lalaki na masayang nagkukwentuhan.. napansin ko na kamukang kamuka nya yung isang babae medyo chubby nga lang. Mula ng makilala ko sya kanina di ko na naalis sa isipan ko ang muka nya.kung kaya nagpasya akong kausapin sya mamaya. After ng klase ko..