"Kumain ka na ba, Kech?" tanong ni tito Jeree sa na tahimik lang. "Yes, t-ito-" nag-aalinlang sambit ng kapatid ko at sumabay sa paglalakad papunta sa sala. "Hija, maupo ka." aya ni tito Jeree sa ex-girlfriend ng kakambal ko. "Salamat, sir." nailang sambit ni Sherylle napa-iwas siya ng tingin. "Tito, sasama po ako sa inyo pabalik sa China." sabat ng kapatid ko sa tito Jeree namin. Hindi pinansin ni tito Jeree ang sinabi ng kapatid ko. "Bukas ko dadalawin ang daddy nyo," panimula ni tito Jeree sa amin. "Hindi pa po siya nagigising, tito- nagpunta na ako sa hospital." sabat ko. "Sana magising si daddy," sabat ng kapatid ko hindi naman ako nagsalita. "Saan nyo ililibing si tita Jia?" sabat na tanong ni Sherylle napatingin siya sa amin. "Sa China." bungad ng kakambal ko sa dating gir