Huminto ang sasakyan ng kakambal ko sa tapat ng dating school namin. "Mag-iingat ka sa byahe," aniko nang inalis ko ang seatbelt sa katawan ko at bumaba ng sasakyan. "Sure kang hindi na kita susunduin dito?" tanong ng kakambal ko sa akin nakasilip siya sa bintana ng sasakyan niya. "Wag na, Ash." aniko at kumaway na lang ako pagkatapos. Pumasok na ako sa dating school at napansin kong tinitignan ako ng ibang student na nasasalubong ko. "Si miss princess." bati ng isang estudyante. "Bakit kaya siya bumalik?" bulong ng isang estudyante narinig ko ito napailing na lang ako. "Ewan ko! Baka may kukunin lang sa principal office graduate na sila dito sa school." wika ng isang estudyante. "Siguro–hala! Late na tayo." sigaw ng isang estudyante natawa na lang ako ng lihim sa sinabi nila. "Ou