AZ / Arthur Zaine POV Four years later (2035) Matagal ko na siyang hinahanap ulit, wala sila ng pamilya niya sa bahay nila. "Doc, may pasyente po." bungad ng nurse sa akin dahilan para mapabaling ang tingin ko. "May ooperahan ba ako?" tanong ko napasandal ako sa gilid ng nurse station. "Wala naman, doc." wika ng nurse sa akin. "Awat muna, nurse, okay?" aniko medyo nakaramdam ako ng paghihilo. "Opo, doc, sorry." sambit ng nurse pumunta muna ako sa opisina ko. Nasaan ka na ba talaga? Umalis muna ako sa hospital at nagpunta ako sa kaibigan ko para makipag-usap. "Nasaan ka, Ayana?" sambit ko habang nakatingin sya sa dagat. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ba siya natatagpuan?" tanong ng kaibigan ko naninigarilyo ito sa tabi ko. "Hindi ko pa rin sila nakikita," aniko na lang.