Habang naglalakad ako sa hallway kasama ko ang dalawang anak ko papunta sa dressing room na tinuro sa akin ng staff kung saan namamahinga ang boyfriend ko. Marami nang nagbago sa building hindi ko na kilala at alam ang lahat. "Dito po ba ang dressing ni Louie Hernan?" tanong ko nang mabungaran ko ang babae sa dressing room ng boyfriend ko nararamdaman ko na may kakaiba sa babaeng kaharap ko. "Mommy, wala yata si puppie." tanong ng anak kong babae sa akin at sumilip sa dressing room. "Sinong puppy? Walang aso dito." nasambit ng babae sa amin umiwas ako ng tingin nang masdan niya ako. "Miss, dito ba ang dressing room ni Louie Hernan o nagkamali kami ng pasok." tanong ko tinignan ko mula ulo hanggang paa ang babae. "Dito nga ang dressing room ng hinahanap mo, sino kayo?" tanong ng babae