bc

MR. HOTTIE and HIS SECRET GAME

book_age18+
37
FOLLOW
1K
READ
billionaire
age gap
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
multiple personality
wild
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Mishka Aira Ferrer na tumigil sa pag-aaral. Mas pinili niyang magtrabaho sa isang bakery. Pero mataas ang kanyang pangarap sa buhay at ito ay ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.Ito ang dahilan niya kaya ayaw niya kay Jax Timothy Miller na isang basurero at isa rin itong construction worker. Kahit pa nasa lalaki na ang lahat ng katangian na hinahanap niya. Matangkad, mabait at masipag ito. Kahit pa ayaw niya sa lalaki ay mapilit ito at nililigawan pa rin siya nito.Ngunit magbabago ang lahat ng isang araw ay nagkasakit ang kanyang ina. Napilitan siyang pumasok sa bar para maging isang waitress at doon niya nakilala si Andy na siyang tutulong sa kanya. Biglang nawala si Jax at hindi na ito nakita pang muli sa kanilang lugar. Hanggang sa isang araw ay nagtagpo ulit ang kanilang landas ni Mishka pero kasing lamig na ng yelo ang pakikitungo nito sa kanya. Matutuloy na kaya ang pag-ibig na naudlot dahil sa maling desisyon ni Mishka? Ano kaya ang tunay katauhan ni Jax?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
MISHKA AIRA Naglalakad ako palabas sa may eskinita namin. Maaga akong gumigising dahil may pasok ako sa bakery. Six am to five pm ang trabaho ko. Tumigil na ako sa pag-aaral kaya naman nahihirapan rin akong makahanap ng trabaho na may malaking sahod. Kaya kahit na maliit ang sahod sa bakery ay nagtatiyaga ako dahil kailangan kong tumulong sa pamilya ko. “Papasok kana, ganda?” nakangiti na tanong sa akin ni Jax. “Ay hindi, pauwi na ako!” “Ang sungit mo naman,” nakangiti pa rin na sabi niya sa akin. “Masungit ako? Edi ‘wag mo akong kausap, nakakainis! Panira ng araw,” bulalas ko. “Grabe ka naman. Pero kahit na masungit ka sa akin araw-araw ay love pa rin kita. Ingat ka sa pagpasok sa trabaho mo. Pupunta na ako sa inyo para i-pick up ang basura niyo.” Sabi niya sa akin na may ngiti pa rin sa labi. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o seryoso siya. Gwapo si Jax, halos lahat ng kababaihan dito sa amin ay may pagtingin sa kanya. Matangkad, moreno, makisig at magandang lalaki. Kung physical na anyo lang ang pagbabasihan ay talagang pasado siya pero hindi ang trabaho na mayroon siya. Minsan nga ay papasa pa siya bilang artista pero mas pinili niya na maging basurero at maging construction worker. Malaki ang pangarap ko. Ambisyosa nga siguro ako pero gusto ko ang lalaking may magandang trabaho. Ang lalaking mayaman. Kahit na imposible pero sa tingin ko ay pasado naman ang mukha at katawan ko. Kaya naman kapag may pagkakataon ay gagawin ko ang lahat para lang maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pero bigla na lang siyang sumabay sa akin. Ang buong akala ko pa naman ay diretso na siya sa bahay namin. “Huwag ka ngang sumabay sa akin.” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit naman hindi puwede? Bibili ako ng pandesal sa bakery. Nagugutom na kasi ako, kailangan ko rin ng kape.” nakangiti na sabi niya. “Huwag ka kasing sumabay sa akin. Baka isipin pa nila may relasyon tayo!” “Hayaan mo sila, mas gusto ko nga ‘yon eh.” sabi pa niya sa akin habang nakangiti pa rin. “Ewan ko sa ‘yo, d’yan kana nga!” Mabilis akong lumayo sa kanya at patakbo na tumawid sa kabilang kalsada pero nagulat ako dahil may biglang sumulpot na kotse. Ang buong akala ko ay masasagasaan na ako pero may biglang humila sa akin. “Okay ka lang ba? Are you okay?” tanong sa akin ni Jax. Mabilis naman ako lumayo sa kanya dahil yakap niya ako. “Okay lang ako, salamat.” nakayuko na sabi ko sa kanya. “Anong sabi mo?” “Sabi ko salamat,” sabi ko sa kanya. “Puwede paki-ulit, hindi ko kasi marinig ng malinaw.” “Sabi ko salamat,” naiinis na sabi ko sa kanya at tumingala na ako. Kaya naman nahuli ko siyang nakatingin sa akin na may malawak na ngiti sa labi. Kaagad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. Tumalikod na ako at tinahak ang direksyon papunta sa bakery. “Sigurado ka ba na okay ka lang?” tanong niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako kaya mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya. “Okay lang ako.” “Sigurado ka?” tanong na naman niya sa akin. “Oo nga! Bakit ba ang kulit mo?” naiinis na naman ako sa kanya. Ilang segundo lang yata nawala ang inis ko sa kanya pero bumalik na naman ulit dahil sa pagiging makulit niya. “Sorry, gusto ko lang naman na makasigurado na okay ka,” sabi niya sa akin. “Kitang-kita mo naman na okay lang ako. Bahala kana nga d’yan! Male-late na ako sa trabaho ko.” sabi ko sa kanya at tuluyan ko na siyang iniwan. Alam ko na nakasunod lang siya sa akin at hindi na siya sumabay pa. Mabuti naman at nakaramdam na siya na ayaw ko sa kanya. Nang makarating ako agad sa bakery ay nagsimula na akong magbenta. Todo iwas pa ako na tumapat kay Jax dahil ayaw ko na ako ang magbigay sa akin. “Uy si Mishka umiiwas kay pogi,” pang-aasar sa akin ng kasama ko sa trabaho. “Hindi ah,” depensa ko naman agad sa kanya. “Anong hindi, halata ka kaya. Sige na ikaw na ang magtimpla ng kape niya. Alam mo naman na timpla mo lang ang gusto niya,” dagdag pa ng isa sa mga kasama ko. “Kayo na may customer pa ako dito. Saka baka mahuli pa siya sa trabaho niya kapag ako pa ang hintayin niya.” sabi ko habang nilalagay sa supot na papel ang pandesal na binibili ng customer ko. “Ayaw mo lang eh, may gusto ka na yata sa kany–” “Sige na, ako na. Ako na ang magtitimpla.” naiinis na sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na humaba pa ang pang-aasar nila sa akin. “Timpla with love ba ‘yan?” “Anong love? Tigilan niyo na kami dahil wala pa akong balak na maglove life. Mas priority ko ang pamilya ko,” sabi ko sa kanila habang nagsisimula na akong magtimpla ng kape ni Jax. Inilagay ko na rin sa supot na papel ang tatlong pirasong pandesal. Sa halos araw-araw niya na pagbili dito ay kabisado ko na palagi ang mga binibili niya. “Iba talaga kapag kabisado na ang order ni love kasi hindi na nagtatanong.” panunukso nila sa akin. “Ewan ko sa inyo, bahala na nga kayo.” sabi ko sa kanila dahil nagsisimula na naman sila. Pagkatapos kong magtimpla ng kape niya ay lumapit na ako sa kanya at binigay ko na ang order niya. “Ganda, may kulang pa sa binili ko.” sabi niya sa akin. “Ano ang kulang—” “Ikaw ang kulang,” mabilis na sagot niya sa akin kaya naman biglang kumalabog ang dibdib ko. “Tsk!” pagtataray ko sa kanya at tinalikuran ko na siya para kumuha ng panukli sa pera niya. Inaabot ko sa kanya ang sukli niya pero nakangiti lang siya sa akin kaya naman sumimangot ako. Naiinis ako dahil kahit na nagtataray ako sa kanya ay maganda pa rin ang ngiti niya sa akin. Ewan ko ba pero araw-araw siyang ganito sa akin. Para bang hindi siya napapagod sa kakangiti. Hindi ba sumasakit ang panga niya. Ayaw ko sa ganito. Ayaw ko dahil kapag nagtagal ay baka magising na lang ako isang araw na gusto ko na pala siya. Hindi puwede lalo na may mga pangarap pa ako sa buhay ko. May pangarap ako para sa pamilya ko at hindi siya kasama sa mga pangarap ko kahit pa gaano siya kabuti sa akin.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook