P R O L O G U E

1627 Words
Carra “Hindi ako magnanakaw! Gusto ko lang makausap si Señor Cassanova!” tumatakbong sigaw ko habang binabaybay niya ang driveway papasok sa mansyon ng mga Cassanova. Hinahabol ako ng dalawang gwardiya na tinakasan ko dahil ayaw nila akong papasukin sa villa. Ito na lang ang pwede kong magawa para sa Nanay ko at ang mga Cassanova na lang ang pwede kong lapitan. Ubos na halos ang tatlong buwan kong sweldo sa Lax Pharmacy at ayaw na akong pabalihin ng manager. Baka raw bigla akong mag-AWOL ay malugi ang botika sa laki ng sweldo na nakuha ko. “Miss!” the guard continued to follow but I ran faster. Tumatakbo ako habang nakalingon sa kanila dahil baka nila ako abutan pero laking panghihilakbot ko nang makabangga ako ng tao. I nearly bounced back but firm hands stilled me by holding my arms. Agad akong tumingala nang maramdaman ko ang malabakal na kamay ng tao at hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang napakatangkad na lalaki. Magkasalubong ang mga kilay niyang itim na itim at makakapal. Nakatingin sa mukha ko ang mga mata niyang balot ng malalantik na mga pilikmata. His orbs are close to black but he has the pinkest lips a man could ever have. His hair is also black. He has tan skin but he has rosy cheeks. Lalaking-lalaki siya. Lumingon ako ulit pero parang mga naestatwa na ang gwardya sa may kalayuan. Parang hindi magawang lumapit ng dalawa. Parang may pader na humarang sa kanila. “Explain,” utos ng lalaki sa harap ko kaya napatingala ako ulit sa kanya. Binitiwan niya ang mga braso ko at saka siya namulsa, parang inuutangan ang gwapo niyang mukha. “Sir, tumakbo ho siya dahil ayaw namin na papasukin kaya nag-radyo agad kami sa tauhan niyo na may babaeng nagpumilit na pumasok dito,” anang isa sa mga iyon kaya agad na bumuka ang bibig ko. “Sabi ko naman po na hindi ako masamang tao. Gusto ko lang pong makausap si Papa Ford,” sabi ko at parang kagula-gulantang iyon sa pandinig ng dalawa at kahit na ang lalaki sa harap ko ay parang pinasabugan din ng bomba. Lalong nangunot ang noo niya tapos ay pinakamasdan ako. “Why did you call him, Papa? You don't suit to be a Cassanova. For sure you're not an illegitimate child. Your height doesn't fit mine.” Owww… Medyo napasinghap ako dahil mukhang Cassanova ang kaharap ko. Pwedeng Cassanova siya dahil kahawig siya ng amo ni Mama na Papa ang tawag ko. Akala ko talaga, Papa ko ang lalaking iyon dahil wala akong Papa, iyon pala ay nalunod sa dagat ang totoo kong Ama noong nasa Masbate pa kami nakatira. “P-Papa po ang tawag ko sa kanya kasi akala ko Papa ko siya. Amo po siya ng Mama ko dati noong nag-aalaga pa raw si Mama sa baby ng mga amo niya.” Hindi ko alam kung sinong inalagaan ni Mama kasi bago ako dumating dito sa Maynila, wala na ang batang iyon at pumunta na raw sa New York para doon na mag-aral. “Who's your mother?” Maawtoridad pa rin na tanong ng lalaki sa akin at hindi ako makatikal ng titig sa kanya. Siya na yata ang pinakagwapong nilalang na nakita ko sa buong buhay ko. I can't even believe that this kind of man exists. He's superior, on the top of anyone when it comes to gorgeousness. Pero parang may edad na siya. “Si-Si Mila po, Mila Pajarillo. Ako po si Carramilla Pajarillo at gusto ko pong makausap si Papa Ford kung pwede at si Mama Odessa. Parang awa niyo na ho, sir. Kanang kamay ho ba kayo o apo nila? May sakit po ang Mama ko at gusto ko pong humingi sana kahit kaunting tulong. Eto po ang mga I.D ko tapos iyong record sa ospital kung saan siya naka-admit,” Binulatlat ko na kaagad ang bag ko bago pa siya makapagsalita at bago pa niya ako paalisin. Busy ako pero nang tingnan ko siya ulit para iabot ang mga papel sa kanya ay nakatitig siya sa akin. Agad akong nakaramdam ng pagkailang. Bakit ganoon siyang tumitig? Hindi siya nahihiya na harapang titigan ang tao at parang gusto niyang kainin. “Follow me.” He simply said and turned his back. He walked like a god and I followed him right away before he changes his mind. Hindi ko na nilingon pa ang dalawang gwardiya na humabol sa akin. Kipkip ang mga kamay ko sa harapan habang hawak ang mga papel at lahat ng I.D na pwede kong madala ay tahimik akong sumunod sa lalaki. I scanned him but later felt my cheeks blushing. Ako ang nahihiya sa ginagawa ko dahil sobrang gwapo niya at hindi ko alam kung paano ko siya napapayag na papasukin ako. Sabagay, kung kawatan man ang papasok, magdadalawang-isip malamang. Sa laki ng lalaking ito ay patay ang magtatangka na lumaban. “Daddy!” Sigaw ng isang batang lalaki pero itinaas lang ng kausap ko ang kamay sa ere. Hinanap ko kaagad ang bata at nakita ko iyon sa indoor balcony. Tumalikod na iyon kaagad at lumapit sa isang matangkad na babae, na parang pamilyar sa akin. Nakatunganga ako sa dalawa sa itaas at hindi ko namalayan na halos humalik na pala ako sa likod ng lalaki sa harap ko. “Ay sorry po.” Sabi ko kaagad nang makita kong nakatingin siya at masama ang titig niya. He opened the door without a word and pushed it. Tumingin lang ako sa kanya at wala siyang sinabi na kahit na ano kaya tumuloy ako dahil parang pinauuna niya ako talaga. Opisina ang pinasukan namin, malaking opisina, magara at mabango. “Have a seat, Miss Pajarillo.” Aniya sa akin kaya inilapag ko kaagad ang mga papel sa mesa. Umikot siya sa kabila at tiningnan ang mga iyon. “Severe Acute Respiratory Syndrome.” Aniya ulit kaya yumuko ako nang kaunti nang maalala si Mama. Pumunta siyang Japan matapos namin bumalik sa Masbate. Umuwi kasi kami nang magkasakit ang lola ko tapos ay wala na rin naman pala sina Mr. and Mrs. Cassanova sa Manila nang subukan ulit ng Mama kong mamasukan na katulong, kaya napilitan iyon na pumunta sa Japan. Isang taon na lang, ga-graduate na dapat ako ng BS Pharmacy. Nag-aral ako sa Unibersidad de Sto. Tomas, sa Legaspi. Mahal ang tuition, umaabot fifty thousand pero itinawid ni Mama. Entertainer siya sa Japan pero nitong nakaraan lang, pinauwi siya dahil may SARS. Hindi na ako nanghinayang na itigil ang pag-aaral ko para kay Mama. Ang tagal ng gamutan, unti-unti ay nanghihina siya at namalayan na lang namin na wala na kaming maitustos sa pagpapa-ospital niya. Sa PGH siya ngayon at pakiramdam ko, mawawalan na ako ng nanay. Paalam na rin siya nang paalam sa akin at sinasabi niya na magtapos pa rin ako. Humingi raw ako ng tulong sa mga Cassanova para sa pag-aaral ko at bayaran ko na lang daw kapag nakapag-trabaho na ako. Alam ni Mama na mabait ang mga amo niya pero ngayon, nandito ako para humingi ng tulong para sa kanya at hindi para sa sarili ko. Naluluha akong tumango, “Mahina na po siya. Gusto ko po siyang ipagamot. Sana po masabi niyo sa mga amo niyo, sir. Gusto ko po silang makausap o baka ho apo nila kayo, pakisabi naman po. Parang awa niyo na.” Tumingin ako sa kanya pero hindi na pala siya sa papel nakatingin kung hindi sa mukha ko. Ilang segundo siyang walang imik at parang tinutunaw lang ako sa tingin. “How old are you?” “Twenty-two po.” “What will be your collateral for this? We're not granting loans because we do not own a bank and we are not a lending company but as per said, no collateral, no loans granted.” Tahasan na sabi niya at sa mga oras na iyon ay nag-iba ang tingin ko sa kanya. Para siyang naging Satanas sa paningin ko at gusto ko siyang hampasin ng mga papeles sa ibabaw ng mesa niya. “Any collateral will do.” Sabi pa niya na para bang ang bilis lang makahugot ng kolateral. Hugutin ko kaya sa pwet niya at ipakain ko sa kanya? “C-Collateral?” Para akong naubusan ng lakas at halos kapusin pa ako ng hangin. Wala akong maiku-collateral. Wala kaming ari-arian at ang lupa namin sa Masbate ay walang titulo. Mas inuna ni Mama ang pag-aaral ko kaysa mag-invest. Akala niya ako na ang best investment pero hindi rin naman ako pinalad na makapagtapos. “W-Wala po akong maiku-collateral. Kaluluwa po,” painsulto kong sagot pero baka sakali tanggapin niya, total daig oa naman niya ang isang demonyong tagapagbantay sa pinto ng impyerno. Gusto kong hanapin ang mag-asawang Cassanova para sila ang makausap ko at hindi ang malaking COLLATERAL na ito, na nakatayo sa harapan ko. Hindi ko inaasahan ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Para siyang naka-jackpot na hindi ko maintindihan. “How about you become my wife, you take care of my son and please me wherever and whenever I want? I'll send your Mom back to Japan for her medication and treatment but that is if you agree to all my terms.” Tigalgal ako sa alok niyang collateral. Sa maikling salita ay parang pokpok iyon na sosyal lang ang dating. Mag-aalaga raw ako ng anak niya, magiging asawa ko siya at...mag-aanuhan daw kami? Tinanggap nga niya ang collateral kong kaluluwa. “Marry me and become the third Mrs. Rheus Devilford Cassanova.” Hesus Maryosep! Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Naririnig ba ng lalaking ito ang sarili niya? Ano bang akala niya sa pag-aasawa, parang naglalaro lang ng sungka? Subi nang subi at siya ang panalo? kontessa1620
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD