3 - Carra
Walang kasing sakit. Hanggang ngayon ay nakahilata pa rin ako sa kama, isa't kalahating araw na ang nakalilipas. At sa isa't kalahating araw na iyon ay hindi rin ako nakalabas ng kwarto. Hubad ako parati at hindi ako tinatantanan ni Satanas. Napilitan lang siyang umalis nang may puntahan siya pero bumalik din agad at inano na naman ako. Ngayon, umalis siya. Salamat. Ilang oras na ay wala pa rin siya at sana umuwi siya ay sa next Millennium na.
Bumukas ang pintuan ng kwarto kaya humaba ang leeg ko. Para na tuloy akong ninenerbyos na sa tuwing bubukas iyon ay bukaka ang kasunod kong gagawin. Lahat ng uri ng pakikipagtalik ay naranasan ko na yata kaya halos wala na akong lakas, at lalong wala yata akong karapatan na tumanggi dahil naaalala ko na kahit paano, ginawa ko ang lahat para sa Mama ko, sa pag-asang gagaling iyon. Kahit paano, nadugtungan ko ang buhay niya kahit saglit lang. Iyon ang mentalidad na binuo ko sa isip habang walang habas akong kinakagat at sinisipsip ni Rheus.
Rheus..
That name is a sting in my cervix.
He's so horny, so brute, so...Santissima Trinidad. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng ganoong lakas ang lalaking iyon na kahit humihingal na ay sige pa rin nang sige.
"Carramilla, iha…" malambing na tawag ni Manang Luz sa akin pero nanlalata talaga ako. Hindi ako makakilos lalo na ang mga hita kong parang bibigay sa oras na tumayo ako.
Wala akong karanasan sa ganito. Hindi ako nagka-boyfriend, puppy love oo pero ang seryoso at malalimang relasyon ay hindi. I was busy with my studies because I love my mother so much. I valued every sweat she counts as she does her household chores with the Cassanova's. I valued when she chose to tone down her morale as a woman when she became an entertainer in Japan. Sakit ang nakuha niya sa pagsasakripisyo na mapagtapos lang ako sa kursong parehas namin na gusto. She wanted me to finish my degree because she believed that I could have a better future. Naniniwala si Mama na hindi ako pababayaan nina Papa Ford at Mama Odessa. Pharmaceuticals ang negosyo ng buong pamilya ni Rheus. Sila ang pinakanumber one pagdating sa ganoong negosyo at may sarili silang laboratoryo, may mga Chemists at may mga Scientists. Sa pagkakaalam ko ay Cassanova Pharmaceuticals at Cassanova L.P and Laboratories ang pangalan ng kumpanya nila. They supply all kinds of meds and vaccines all around the globe.
Ganoon kayaman ang manyak na si Rheus Devil. Kaya alam kong kaya niyang bumili ng babae kahit sampu pa sa isang pilantik lang ng mga daliri niya.
"Ihahanda ko ang damit mo at dinalhan kita ng gamot." Nakangiti si Manang Luz sa akin tulad noong unang araw na magkita kami.
Hindi ko na siya natatandaan pero mayordoma na raw siya kahit noon pang nandito si Mama at kilalang-kilala ako ng matanda. Sabagay, bata pa akong masyado nang mapasyal ako rito. Hindi ko na rin nga halos matandaan ang mga memorya ko nang magbakasyon ako rito ng ilang linggo matapos akong mabinyagan. Ang naalala ko lang ay noong binyagan ako, naroon sina Mama Odessa at Papa Ford. May naalala akong batang umaway sa akin pero hindi ko na talaga matandaan ang iba pang detalye.
Yumuko ako nang kaunti. Gamot? May dalang gamot si Manang Luz? Dahil ba alam na rin nito kung paano gumamit si Rheus ng babae kaya may dala itong gamot?
"May sugat ka ba, Carra iha?" Aniya habang may inihahanda sa mesa ko.
"Meron po, 'yong ano ko." Napangiwi ako pero natawa siya. "May gamot po ba do'n?"
"Wala yata pero itong paracetamol makakaalis ng sakit. Eh 'yang mga marka mo sa balikat at braso, meron bang malalim?" Nakatingin siya sa mga braso ko kaya napatingin din ako.
Mga korteng ngipin ang nakamarka roon at hindi naman masakit.
Umiling ako kay Manang Luz. "Wala naman pong masakit. May saltik po ba sa ulo si Rheus?" Hindi ko na napigil na huwag itanong dahil hindi ko akalain na nagkakaroon pala ng kagatan kapag nagtatalik?
Nangiti lang ang matanda saka umiling. "Wala. Ganyan lang siguro talaga siya. Iyong mga naging asawa niya, ganyan din madalas kapag lumalabas ng kwarto pero balewala sa kanila."
"Uhm, di ko po kasi alam na ganito. Hindi ko nga po alam na aabot ako ng mahigit isang araw na nakahilata rito at walang damit. Naiihi na po ako pero hindi ako makatayo."
"Sus." Para siyang nataranta at agad akong nilapitan. "Halika na at aalalayan kita. Huwag ka ng mahiya sa akin. Bilin naman niya na asikasuhin kita at kung anong kailangan mo ay ibigay ko raw. Kaya mo ba o dadalhan kita rito ng pwede mong ihian. May arinola ako."
Napahagikhik ako kahit paano. Uso rin pala ang arinola sa mansyon? "P-Pipilitin ko pong tumayo. Gusto ko rin pong lumabas."
"O halika." Itinayo niya ako kaya naman tinulungan ko rin ang sarili ko.
Kaya ko naman pala, isip ko lang yata ang nagsasabi na hindi ko kaya pero talagang nanginginig ang mga tuhod at hita ko.
Kipkip ang kumot ay humakbang ako kahit ang gaan ng ulo ko. Wala pa akong maayos na tulog. I just really pray na sana habang ginaganito ako ni Rheus ay magsawa na rin siya kaagad at maumay para naman palayasin na niya ako.
Wala na rin akong ipinagkaiba sa Mama ko. Nagbenta kami parehas ng puri para sa isa't isa pero tulad niya ay wala akong pagsisisi at hindi ko pagsisisihan kahit na kailan. Kahit na sumbatan ako ng magiging asawa ko, sasampalin ko na lang iyon ng pwet ng kaldero para matauhan. Hindi niya alam ang pinagdaanan naming mag-Mama para lang makatawid at magtulungan. Nangako kami ni Mama na walang iwanan pero ngayon iniwan na niya ako kahit na hindi pa ako handa.
Napasinghot ako nang maalala siya pero tama rin si Rheus. Hindi ko matutulungan si Mama kung aatungal ako nang aatungal ng iyak. Gusto ko na umakyat siya sa langit na hindi mabigat ang kalooban dahil ayaw ko pa siyang pakawalan.
"Naalala mo si Mila?" Hinaplos ako ni Manang Luz nang tulungan niya akong maupo sa bowl.
"Opo. Miss ko na po siya pero kailangan ko na siyang bitiwan. Ang sakit lang po Manang kaya lang, siguro talagang hanggang doon na lang siya. At least, wala na siyang tubo na nakakabit sa bibig." Muntik akong mapahikbi pero pinigil ko.
Hindi ko matanggap na mag-isa na lang ako ngayon sa mundong ito. Sa amin na magpipinsan, ako na lang ang ulilang lubos sa mga magulang.
Tumango-tango ang matanda sa akin at mukhang lahat naman ay naiintindihan nito.
"Tama 'yan. Alam ng Mama mo na hindi mo siya pinabayaan at kahit paano siguro maligaya naman siya na nakaapak ka ulit sa bahay na ito na minahal din niya. Malulungkot malamang sina Senyora kapag nalaman ang tungkol sa Mama mo pero ang estado niyo ni Rheus--"
"Hindi po sila matutuwa, Manang. Parang binenta ko na rin po ang sarili ko kay Rheus pero nakahanda na po ako sa pwede nilang sabihin. Ito na po ang pinakanakakahiyang bagay na ginawa ko sa buong buhay ko pero alam ko po na mabait sina Papa Ford at Mama Odessa. Alam ko po na hindi makitid ang utak nila. Saka, nasa kasunduan naman po namin na hindi naman pwedeng ipaalam sa ibang tao na may pangatlo na siyang asawa. Kina P-Papa Ford at Mama Odessa po siguro, ipapaalam niya." Kaagad kong salo at wala na namang sagot si Manang maliban sa tango at isang ngiti.
Wala rin naman akong balak na ipakilala ang sarili ko na Mrs. Cassanova. Pumirma ako sa isang prenup na wala akong makukuha ni singkong duling kay Rheus oras na idispatsa niya ako. Wala akong karapatan sa kahit na anong ari-arian niya at hindi ko pwedeng sabihin na mag-asawa kami. Wala akong karapatan na i-announce iyon. Sino nga ba naman ang magpapakilala sa akin na asawa ng isang Cassanova? Mas ordinaryo pa ako kaysa sa ordinaryo at narinig ko sa tauhan niya na ang mga dati niyang asawa ay mga sosyalin, isang Hollywood actress na nadiskaril nang asawahin niya at isang heridera. Wala siyang anak sa mga iyon at hindi ko pa alam kung kanino niya anak ang batang lalaking nakita ko.
Inalalayan ako ni Manang Luz papunta sa shower at inayos pa ang kurtina. "Tawagin mo ako kapag tapos ka na dahil baka madulas ka. Babalik ako. Ipaghahanda lang kita ng makakain. Darating na sina Senyor ngayon at makikita mo na ulit sila."
Agad akong napatulala. Hindi pa ako handang iharap ang pagmumukha ko at ang kahihiyan na ginawa ko. Papasok na lang ako sa botika kahit na para akong kamatis na nalanta. Isa pa, tapos na ang leave ko. Dalawang araw na akong wala sa trabaho at isang araw na lang, AWOL na ako kaya kailangan kong magpakita.
Pagbalik ni Manang Luz ay nakaayos na ako at parang nagulat siya na ang suot ko ay uniporme at hindi ang damit na inihanda niya. Nagsusuklay ako ng buhok at saka isinukbit ang bag ko.
"O, b-bakit ka naka-uniporme?"
Pasalamat ako at hindi nawala sa isip kong dalahin lahat ng damit ko nang sunduin ako ng mga tauhan ni Rheus sa apartment ko. Kahit na ang pinsan kong si Fritzel ay hindi alam kung saan ako pupunta at naiwan iyon na nagtataka. Ngayon pa lang niya malalaman ang totoong nangyari sa akin.
"Papasok po ako. Baka po ma-AWOL na ako. May utang pa po akong three months salary doon sa pharmacy na pinagta-trabahuhan ko. Baka po kapag na-AWOL ako ay wala na sa aking tumanggap kasi hindi pa ako nakapagtapos."
"Ganoon ba? Nagpaalam ka ba sa asawa mo?" Ngumiti si Manang kaya sumimangot ako.
Bakit ako magpapaalam sa manyakis na iyon? Baka umuwi iyon dali-dali para isahan na naman ako, lalo akong na-AWOL sa trabaho.
"Pabayaan niyo po siya. Sa trabaho naman ako pupunta. Siya nga hindi naman nagpaalam kung saan siya pupunta. Uuwi na lang po ako. Five PM po ang off ko. Pang afternoon shift po ako, Manang. Pakisabi na lang po sa asawa kong aswang." Sabi ko pero natawa lang naman ito sa akin.
"Napakapasaway mong bata. Sige, sasabihin ko na lang. Hindi ka ba magpapahatid sa mga tauhan niya? Ano bang bilin niya kapag aalis ka?"
"Wala po. Gusto lang yata no'n na dito ako nakatira. Wala naman po iyong sinasabi. Ang alam lang no'n ay umungol." Nakagat ko ang dila ko dahil sa katabilan pero napalakas ang tawa ni Manang Luz.
"Alam ko na 'yan. Hindi naman talaga iyon masalita na lalaki."
Opo. Mahilig lang po 'yon.
"Tara na po, Manang." Yaya ko na sa kanya at inalalayan pa rin niya ako papalabas ng kwarto.
Medyo mataas ang heels na suot ko pero salamat dahil nababalanse ko pa rin. Nakasuot ako ng blazer para hindi makita ang mga marka ko sa braso. May scarf din ako dahil meron ako sa leeg, meron ako sa dibdib, meron sa hita. Mabuti na lang at nakatago iyong sa hita dahil kung hindi, kita iyon sa paldang suot ko.
Tinalo ni Rheus ang ulol na aso, kung saan-saang parte ng katawan ng tao nangangagat.
Iginiya ako ni Manang Luz sa dining room pero narinig ko ang mga tao na parang nag-iingay sa may kabilang side ng malawak na kusina.
Sumilip ako at nakita ko ang mga tauhan ng asawa ko, kasama ang ilang kasambahay na kumakain ng tanghalian.
Ang saya nila at nagkukwentuhan kaya hindi maiwasan na ilibot ko ang mga mata ko sa dining hall kung saan ako nakatayo. Sobrang ganda ng dining room ng mga Cassanova pero ayokong ukupahin ang isang silya, out of thirty-two, I guess. Walang kasinghaba ang mesa na puro masasarap na pagkain pero ayoko kumain na mag-isa. Lalo kong naaalala si Mama.
Pumasok ako sa kabilang hall at lahat ng mga tao ay napatingin sa akin. Para silang natilihan at naging pormal ang mga hitsura. Natigil ang tawanan nila at pagkukwentuhan.
"Gusto kong dito kumain. Pwede pong makisalo?" Tumingin ako sa mesa nila at parehas lang din naman ang mga pagkain na nakahain doon saka ang kakainin ko.
Tumayo ang isang tauhan ni Rheus na siya ang madalas na sumundo sa akin. "Have a seat, our lady."
"Salamat, kuya. Ayoko kasi doon sa kabila, nakakalungkot, wala akong kausap."
Mabilis na kumilos ang isang kasambahay para bigyan ako ng plato nang tangkain kong kumuha para sa sarili ko.
"Hindi ho kayo pwedeng magsilbi sa sarili niyo, senyorita. Patakaran po 'yan ni Senyorita Devign na pagsisilbihan ang mga amo."
Devign? Sinong Devign?
"Okay lang kasi dati rin naman katulong ang Mama ko rito at hindi naman ako senyorita." Nangiti ako sa kanila pero parang naeestatwa ang mga kalalakihan na nakatitig sa akin.
I usually get the same attention when I'm in a public place. Siguro dahil maputi ako kaya ako tinginin ng tao o ng mga lalaki pero hindi naman ako ligawin, parati lang silang nakatingin.
"Ihatid mo siya, Isidro sa trabaho bago tayo malintikan kay Senyorito Rheus. Hintayin mo na rin siya kung kinakailangan." Bilin ni Manang Luz na pormal na pormal na ang hitsura, hindi tulad nang kami lang dalawa ang magkausap.
"Opo, Manang pero may bilin si bossing na huwag palalabasin at doon lang daw sa kwarto."
"At bakit?" Agad na bumagting ang tainga ko. "Hindi naman ako preso rito at gusto kong magtrabaho. Ako na lang mag-isa ang aalis at kapag umuwi siya pakisabi na ayaw ko lang naman ma-AWOL." Ismid ko sa sarili ko.
Kala mo naman kung sinong diktador, manyakis naman.
"Nasa Malacañang si bossing, hindi kasi pwedeng tanungin. Ngayon daw siya pipirma sa kontrata nila ng gobyerno para sa mga bagong pang-iniksyon."
Sosyal.
"Tapos didiretso raw siya sa airport para sunduin sina Senyor."
Tama. Gabi na ako uuwi para naman hindi na kami magpang-abot. Sisiguruhin kong naghihilik na ang tumbong niya kapag umuwi ako.
kontessa1620