5

1788 Words
5- Carra "Ano na, insan? Alas diyes na. Hindi ka pa uuwi? Kanina ka pa rito, kanina ka pa rin walang imik. Hindi ka pa ba uuwi…?" Tumingin ako sa pinsan kong si Fritzel dahil sa hinaba-haba ng oras ay parang ngayon lang siya nagkalakas ng loob na magsalita sa akin. Kanina nang mag-off kami sa duty ay basta na lang ako sumama sa kanya papunta rito sa apartment namin pero hindi niya alam na aabutin ako rito ng halos hatinggabi. "Kung saan ka man umuuwi." Dugtong niya kaya bumuntong hininga ako. "Sa asawa kong manyak." Tumulis ang labi ko nang maalala ko si Rheus. Parang sumakit nga ang kwan ko nang maalala ko ang pangalan niya. "Asawa?" Umarko ang mga kilay ni Fritzel saka siya naupo sa sofa, katapat ng inuukupa ko. Bata pa lang kami ay kami na ang magka-close. Tuwing bakasyon ay pumupunta ako kay Nanay dahil si nanay ang nagpalaki kay Fritz. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon pero para ko siyang kapatid kaysa sa lahat ng pinsan ko. "Paano ka magkakaasawa ay wala ka nga ni isang bf? Si Ginno Paulo lang ang matyagang naghihintay sa'yo." Irap nito pero alam niya na hindi ako palabiro na tao pagdating sa mga bagay tungkol sa buhay ko. At totoo, si Ginno lang ang totoong naghihintay sa akin pero ngayon, parang ayoko na rin humarap doon kahit na kanina ay nagpumilit pa iyon na ihatid kami ni Fritz. "May asawa ako sa papel at sa anuhan." Nadidismaya kong sabi. "Anuhan?" Lalo siyang nagtaka. "As in anuhan. Inaano ako at in fact, magkakasunod na araw at gabi akong inaano. Nag-asawa ako para kay Mama. Kaya naipagamot ko siya dahil sa pag-aasawa ko. Kaya siya nakapunta sa Japan dahil din doon. Kapalit ng pag-aasawa ko ay pera na ginastos ko kay Mama sa pagpapagamot. Kaya ako nawala ng ilang linggo dahil sa pag-aasikaso dahil isinama ako sa New York. Doon ako ikinasal pero parang bangungot lang lahat. Halos hindi nga mag-sink in sa utak ko ang mga nangyari kung paano ako nakalipad sa ibang bansa na wala akong binibitiwan ni isang kusing na duling. Lahat gastos ng asawa kong Satanas." Tuloy tuloy na kwento ko kaya nakatanga sa akin si Fritz tapos ay bigla siyang tumawa. "Nag-asawa ka ba ng matandang mayaman, madaling mamatay?" Tumatawa siya na para bang nakakatuwa ang lahat. Hindi naman MMMM ang napangasawa ko. Si Rheus ay Matandang Satanas, Manyakis, Matagal Mamatay. At gwapo siya. Sobrang gwapo ng lalaking 'yon at hindi ko akalain na ganoon ang hitsura ng anak nina Papa Ford at Mama Odessa. Hindi na ako umimik sa tanong ng pinsan ko. "Kaya yata ayaw mong umuwi dahil makikita mo ang nakakasuka niyang mukha. Ganoon naman talaga ang mga DOM, mahilig sila sa mga bata at magaganda, plus the fact na nahalata siguro na virgin ka pa. Pero, naiintindihan naman kita. Kahit naman sinong anak ay magagawa ang ginawa mo lalo na kung para sa mga magulang. Hindi naman talaga enough ang sweldo natin para sa pagpapagamot ni tiya noon. Sino bang asawa mo?" "Si Devil." Ismid ko pero lalo siyang tumawa. Hindi siya naniniwala dahil hindi niya alam na Devil naman talaga ang pangalan ni Rheus. "Gwapo ba?" Humagikhik siya. "Sobrang gwapo." Sagot ko naman na may kasamang irap kaya lumakas ang tawa ni Fritz. Akala niya nagbibiro pa rin ako. "Umuwi ka na at baka malintikan ka pa. Nandyan na 'yan kaya wala ka ng magagawa pa. Ipagdasal mo na lang na mapaaga ang pagsawa niya para naman maghiwalay na kayo. Mrs. Devil ka na pala ngayon?" Napabunghalit na naman siya ng tawa kaya naman anong irap ko dahil naiinis ako sa biro niya. "Angel ako, hindi ako devil at lalong hindi ako manyak." Tamad akong napabuntong hininga. Ayoko na ngang umuwi kung ako lang kaya kang hindi ko pwedeng talikuran ang pinirmahan kong kontrata. Hindi ako ganoon na matapos makinabang ay basta na lang babaliin. Ayaw pa akong pakawalan ni Rheus at bayad ito sa pagtulong niya. Nagpapasalamat pa rin naman ako kahit paano dahil hindi ako nagdalawang sabi. He offered help in exchange of becoming his s*x slave. s*x slave naman talaga ang kinalabasan ko at hindi naman asawa. Maswerte pa nga ata ang mga una niyang asawa dahil may respeto at kilala ng mundo samantalang ako ay nakatago at ayaw niyang sabihin na mag-asawa kami. Okay lang naman 'yon sa akin kaya lang huwag naman sana akong araw-arawin. Tumingin ako sa relos na suot ko. Malapit ng mag-alas onse kaya tumayo na rin ako. Makakarating man lang ako sa subdivision, baka alas onse y medya na kaya tamang-tama lang 'yon. Malamang tulog na si Rheus o kaya baka wala iyon dahil kakauwi lang nina Mama Odessa. Baka nagkakasayahan ang mga iyon o kaya pagod at malalalim na ang tulog. Uuwi na ako. Ipinagbukas ako ni Fritzel ng pintuan at laking gulat ko nang makita ko naman na kakatok sana si Ginno. "Ginno?" Gulat na tanong ko, "B-Bakit nandito ka na naman?" Tumingin ito kay Fritzel tapos ay bumuntong-hininga naman ang isa. "Paano wala akong mapagkakatiwalaan na maghahatid sa iyo kaya si Ginno na lang, may motor naman siya." Halos pandilatan ko siya pero wala akong magawa. Parang unfair din kay Ginno na hindi malaman ang totoo kong kalagayan ngayon. Naghihintay siya sa akin, matyagang nagtitiis na manligaw. "Pakihatid mo siya sa pupuntahan niya ha. Huwag mong iiwan basta-basta at baka kung mapaano." "I know what to do, Fritz. Don't worry." Nakangiting sagot naman ni Ginno sa kanya. Sabagay, kaibigan ko si Ginno at hindi lang basta manliligaw ang tingin ko sa kanya. May tiwala ako rito dahil may respeto sa babae at mabait. "Sige na, uwi na ako." Paalam ko kay Fritz at nagyakap pa kaming dalawa bago ako tumalikod. Parang ang bigat ng paa ko na humakbang. Parang ayaw kong umuwi pero kailangan. … Si Manang Luz ang nagbukas sa akin ng pintuan. Nagtiyaga akong maglakad papunta sa mansyon dahil ayaw kong ipapasok ang motor ni Ginno sa loob. "Bakit ngayon ka lang? Hindi ka na nakasabay sa dinner." Aniya sa akin pero ngumiti lang ako. "Galing po ako sa dati naming apartment ni Mama. Miss ko po kasi siya. Inihatid naman po ako ng kaibigan ko." "Nasaan? Papasukin mo kahit magkape lang." "Hindi na po. Naglakad lang po ako galing sa labas. Nandyan na po sina Mama Odessa?" "Oo kanina pang alas dos ng hapon. Hinahanap ka nga ni Rheus. Sabi ko naman ay ayaw mong ma-AWOL. Tulog na yata 'yon." Salamat naman. "Sige po, Manang, akyat na po ako." "Sige. Magbihis ka kasi basa yata ang likod mo." Ngumiti ako sa bilin niya kasi para siyang totoong nanay. Lalo ko tuloy nami-miss si Mama dahil wala ng nag-aalaga sa akin ngayon, "Salamat po." Tumuloy na ako sa pag-akyat sa itaas. Tinutumbok lang ng mga paa ko ang daan papunta sa kwarto at hindi sa ibang bahagi pa ng kabahayan. Pakiramdam ko, wala akong K na maglibot sa mansyon dahil parang nakikitira lang ako rito. Hindi ko inaasahan na sa pagliko ko sa may pader ay may masasalubong akong batang lalaki. Napatigil ako dahil kinukusot nito ang mga mata at parang antok na antok pa. Nagkatinginan kami at sa unang tingin pa lang ay alam ko na kung sino ang bata. Kamukhang-kamukha siya ni Rheus iyon lang ay maputi ito kaysa sa ama. “Who are you?” walang kurap na tanong niya sa akin, walang ngiti. Mag-ama nga sila. Sinasayang ng mga ito ang kagwapuhan dahil parang mas mahal pa sa ginto ang ngiti ng dalawa. “I’m…I’m Carra.” “And you are?” “Ahm,” hindi ako makaisip ng sagot. Hindi ko alam kung paano ko ipakikilala ang sarili ko sa bata. Hindi ko pwedeng sabihin na asawa ko ang tatay niyang manyakis. “Yaya ako rito.” Iyon na lang ang nasabi ko tapos ay ngumiti ako. Tumango siya at sa wakas ay ngumiti rin, pinakamamasdan ako nang husto. “You’re too pretty for my nanny.” Napangiti ako sa compliment niya at naramdaman kong nag-blush pa ko. Mas namula pa yata ako sa papuri nito kaysa kapag ang pumupuri sa akin ay manliligaw o ibang lalaki, “Ah, nanny ako ng Daddy mo.” “But he’s old. Did he hire you as his P.A?” “Yep!” P.A sa kama. “Will you help me make a milk, Tita Carra? Mama Devign is already asleep and her door is locked.” Aniya saka lumingon pa sa isang pinto na sarado. “Sure. Come on, downstairs.” Alangan akong akbayan ang batang lalaki pero ginawa ko na rin. Pumihit ako para pumunta kami sa kusina pero narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan. “Where the hell have you been, Carramilla?” anang masungit na boses sa likuran namin kaya nakagat ko ang labi ko saka ako pumikit. Patay na, gising pa ang Yakuza. Hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya narinig pero tiningala ako ng bata na halos abot na sa kili-kili ko kahit na wawalong taon pa lang. “Lika na.” bulong ko na lang pero umiling ito. “Daddy’s talking to you and you must answer his question first, Tita Carra. My milk could wait.” Okay. Sige. Mana nga ito sa ama nitong parang bossing. Pumihit ako at itinaas ko ang noo ko kay Rheus, “Galing po ako sa trabaho, kamahalan.” “Psh.” Tumikwas ang labi niya saka parang lalong tumiim ang titig sa akin. Para siyang diyos na nakapameywang. “At this hour? Sinong niloloko mo?” “Ikaw.” Naiinis kong sagot pero bumalasik ang titig niya. Nakakabwisit siya kasi kung makaasta akala mo ay pag-aari ako eh katawan ko lang naman ang binili niya, hindi naman kaluluwa ko at buong buhay ko na. “Carramilla,” He mentioned my name with emphasis but I held my chin. “If you’ll excuse us, kamahalan. Humihingi po ng gatas itong bata. Pwede po mamaya na ang sermon? Mas importante ang gatas kaysa sa sentiment mo.” Wala siyang imik pero naninigas ang mga panga hanggang sa tumalikod siya bigla kaya para akong nawalan ng bara sa lalamunan. “Did you two fight? Dad’s P.A never answered him like that. They always had po and opo and they’re afraid of him. Aren’t you?” anang bata sa akin pero sa totoo ay kinakabahan din ako talaga. “Kasi iinom ka ng gatas so dapat na mauna ka kaysa sa sermon. I am willing to listen to his sermon naman but later na lang.” ngumiti ako kaya ngumiti rin siya. “I like you.” Oh, salamat. “Thank you. I like you, too.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD