"Sorscha Ramirez, are you going to listen or sleep in my class? The door is opened for you, you may leave and go back to your bed." Napaupo ako nang maayos dahil special mention na naman ako ng prof ko. Pinagtinginan tuloy ako ng mga kaklase ko, 'yong iba naman ay natatawa. "Sorry po. Makikinig na po," sabi ko saka inayos ang sarili ko. May klase ako ngayong araw and since wala naman akong ka-close rito, napakaboring para sa akin. Gusto ko nga mag-skip ng klase 'e. Sana nagskip na lang ako. Dumaan ang ilang klase at tanging oras lang ang binabantayan ko. Atat na atat na kasi akong puntahan si Vina sa room niya nang makamusta ko na siya. Pareho kasi sila ni Ely na hindi na makontak, kahit nga sa gc sobang tahimik 'e. The bell rang so I immediately got up from my seat and took my bag. A