"I saw you crying," simula ko nang ilang minuto lang nakalipas pag-upo ko. Nandito lang din naman siya, at para mas mabilis na rin ako makauwi kay Terah, I agreed na ihatid niya na lang ako sa bahay. Kaya ko naman siya iwasan kung magtatatangka pa siya sa buhay ko. "It's about my mom." Nagulat ako nang sinabi niya. I mean, he doesn't owe me an explanation. Expected ko na rin na iiwasan niya ang sinabi ko. Sinabi ko lang naman 'yon dahil sobrang awkward ng atmosphere, walang nagsasalita. Saka kapag ni-change topic niya, edi goods. Makakausap na kami. Pero ngayon ay sinabi niya na tungkol kay mom niya. Curious tuloy ako. "She's sick. Breast cancer." Oh... that hurts like hell. Kay Terah nga nanghina ang katawan ko, lalo pa kaya na cancer 'yan? Akala ko pa naman nagbreak sila ng girlfr