Chapter 10 Sapphire noticed a car parked near her gate while she was driving her way out. Buhay ang makina nun at hindi niya makita ang tao sa loob kaya hindi na rin naman niya pinagtuunan ng pansin. Pero may kung anong enerhiya ang humatak sa kanya para tingnan pa iyon sa side mirror ng kanyang kotse. Deene's at the back. Ibang libro na naman ang dala nito ngayon, ang paboritong Disney princesses collections, ang kwento ni Cinderella. “Mommy, I’m going to tell you a story,” Deene said and she smiled. “Okay. Mommy has four ears to listen,” aniya naman at napahahikhik ito sa sinabi niya. “Silly, Mommy. You only have two. How ‘bout that Mister Guy? Does he have ten ears?” Ang lakas ng tawa niya rito dahil ginawa nitong kabute ang sariling ama. Parang tao na tinubuan ng maraming t