Chapter 27: Sabik

1716 Words

"Sige! Ituloy n'yo pa ang panununtok n'yo sa kanya, kung ayaw ninyong ibaon ko ito sa bituka n'yo!" sigaw ko. Nanginginig ang katawan ko, habang hawak-hawak kjo ang kutsilyo. "Bitawan mo ' yan Dafne! Guro ka pa naman, pero kung makahawak ka ng kutsilyo' y mukha kang papatay!" maawtoridad na utos ni inay sa akin. "Bibitawan ko 'to kapag pinalayas n'yo ang matanda na 'yan, Inay! Kaya, palayasin n'yo na 'yan!" muling sigaw ko. "Mahal ko ang Tiyo Pablo mo, Dafne, ayaw ko, at kayo ang lumayas dito!" bulalas ni inay sa akin. "Hanggang kailan ba kayo gan'yan sa akin, sa amin ng kapatid ko! Ilang beses na kayong niloko ng mga lalaking dinadala n'yo rito at pera lang habol sa inyo!" gagad ko. "Tumigil ka, Dafne at huwag mong ikokompara ang mga tatay ninyo sa inyong Tiyo Pablo dahil naiiba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD