"Tumayo ka nga, Babe, at tumalikod ka nga," utos ni Chelsea kay Lindon. "Why?" matigas naman na sambit ni Lindon dito. "Para malaman ni Honeylet na ang layo mo roon sa lalaking nakita niya kagabi sa apartment ni Ma'am Dafne. At saka, nasa condo ka na kagabi, right? At alam kong hindi ka pumapatol sa gurang!" untag nito. "Grabe naman kung maka-react si Chelsea, biro ko lang 'yon, uy! Alangan namang mapapadpad si Lindon sa apartment ni Ma'am Dafne. At saka, masyado namang matanda si ma'am if ever na si Babe Lindon mo 'yon," gagad naman ni Honeylet. "At hindi pumapatol si Lindon sa matanda sa kanya, dahil makunat na!" singit ni Thyron. "At teacher pa natin," singit naman ni Kevin dahilan upang nagkatawanan ang mga ito. "Stop this kind of nonsense of yours guys. Nasa harapan tayo