Chapter 70: Happy Birthday, Baby

1917 Words

"Happy birthday," sambit niya. Ngumiti siya sa akin, kaya hindi ko alam kung ngingitihan ko rin siya. "Ba-Ba't nandito ka?" seryosong tanong ko. Hindi ko siya tiningnan. Diretso ako sa kuwarto ko. Inilapag ko ang bag ko, saka ako lumabas. "Because it's your birthday, at kahit iba ang kasama mo sa birthday mo ay tinanggap ko na. Pero, until now ay hindi ko pa rin tanggap ang pagdeny mo sa akin," malungkot na pahayag niya, dahilan upang napabuntong-hininga ako. "Hindi kita inimbita, Lindon, kaya makakaalis ka na. At sabi ko naman sa 'yo na gusto ko munang dumistansya ka," gagad ko. "Ang isang araw na pagdistansya ko sa ' yo ay sobra-sobra na akong nahihirapan. Pero, gagawin ko na lang kung ano'ng gusto mo. At aalis lang ako, kapag naihipan mo na ang cake na ito," aniya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD