"Ano'ng kailngan mo sa akin, Mr. Delgado?" ngiti na sambit ko. Pero, sa loob-loob ko ay naiinis ako. Lumapit siya sa akin. Napalunok tuloy ako dahil hindi ko na naman alam kung anong binabalak niya o gagawin niya sa mga sabdaling ito. Pinagmasdan ko ang mga taong nasa gymnasium at nakatingin sa amin ang karamihan sa mga ito. "Para sa 'yo ang trophy na ito, Baby," mahinang aniya sa akin. Lumingon-lingo pa ako sa aking tagiliran kung may mga estudyante o mga teachers na dadaan dahil baka marinig nila kami. "Salamat, Mr. Delgado. Nanalo kayo ni Chelsea because you did your best at para sa inyo ang trophy na 'yan. Mauna na ako sa 'yo at pupuntahan ko pa si Sir Montecarlo dahil kami ang naka-assign sa sports tournament," pahayag ko. Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako patungon