"Malanding babae!" sigaw nib Mrs. Delgado na sinugod ako, ngunit mabilis na Humarang si Lindon. "Anong ginagawa n'yo rito, Ma?" untag ni Lindon. "Anong ginagawa? Pumasyal! Ako ang bagong kasusyo ng Tita Glenda mo at kasama ko si Chelsea. May nakapagsabi na nandito ka, kasama ang guro mo, kaya pinuntahan ka namin dito at ito pala ginagawa ninyo, ha!" gagad ni Mrs. Delgado sa amin. "Nagpapraktis kami ng sayaw rito ni Ma'am Dafne, Ma. At request ni Chelsea na magperform si Ma'am Dafne sa debut niya, kaya huwag kayong mag-iskandalo rito, dahil nakahihiya kay Ma'am Dafne, " pahayag ni Lindon. "Hindi ako nag-i-iskandalo, Lindon! Ahyaew ko lang na makita na kasama mo ang babaeng ' yan dito! At ikaw, Chelsea, akala ko ba ayaw mo sa guro na 'yan, ba't siya pa gusto mong mag-special number