"Hintayin mong lumabas ako sa campus na ito, Chelsea, kahit magdamag mo ' kong guluhin. Pero, kung dito mismo sa classroom ko, ka manggugulo, kaunting respeto naman dahil kaharap mo ibang section. At huwag mong ipakita ang hindi kaaya-ayang ugali mo," maawtoridad na sambit ko. "Nagsalita ang mabait, pero may itinatagong inggit!" gagad ni Chelsea sa akin. "At anong kinaiinggitan ko, sa 'yo? Mayro'n ba? Kung ang yaman mo, hindi ko ' yon pag-iinggitan. Kung 'yang kagandahan mo rin, lalong-lalo na hindi ko ' yan pag-iinggitan dahil meron ako niyan. At wala akong dapat pag-inggitan sa 'yo, Chelsea, dahil hindi naman ako desperadoa na tulad mo, " ngisi ko. Alam kong nakahihiya na sa mga estudyante ko na makipagbangayan ako sa kapuwa estudyante nila. Pero, ayaw ko naman at hindi ako papaya