"Inaaway mo ba si Teacher Dafne, Mr. Delgado?" untag ni Ma'am Lorena nang makalapit ito sa amin ' "Hindi niya ako inaaway, Ma'am Lorena. Hindi ko naintindihan ang sinasabi ni Mr. Delgado. Sabi ko'y lakasan niya ang boses niya, kaya para siyang galit, dahil sumigaw siya," agaw na depensa ko. "Gano'n ba? Akala ko'y sinisigawan ka niya. O, siya, sa loob na ako dahil nahihilo na ako kanina pa at doon pala rest house ni Sir Thomson," saad nito. "Salamat, Ma'am Lorena," sambit ko. Naglakad na palayo si Ma'am Lorena sa amin, kaya naman nakahinga ako nang maluwang. "Buhatin mo na si Thomson, Lindon para makapagpahinga ka na rin. Ang dami niyang nainom, kaya gan'yan ang lalaki na 'yan," sermon ko. "Halikan mo muna ako, bago ko buhatin ang Thomson Sawyer na ito," gagad niya sa akin. "Hi