"Ikaw, nagseselos?" gagad ko nang makabawi ako sa pagkagugulat. "Wala tayong relasyon, Lindon kaya huwag kang magpatawa! O, talagang sadyang isip bata ka lang," dagdag ko pa. "Nagpatatawa? Do you think, nagpatatawa ako, ha! At hindi ako isip bata dahil kaya kong gumawa ng bata!" gagad rin niya dahilan upang umiling ako. "This is what I feel, Dafne, so you can't do anything. And I'm eager to punch his face because that fvcking man is not fun! He does not even include students in his nonsense and meaningless things! And it's okay for you that he treats you like that, huh Dafne!" asik pa ni Lindon sa akin. "Wala bang araw o gabi na hindi ka galit, Lindon? Hindi ba dapat ako ang magalit sa 'yo dahil kung tinatrato ako ni Thomson na girlfriend niya, eh, ikaw? Iyang kinikilos mo, hindi ba ay