Lindon, Babe, ano ba! Ano bang problema mo at nagbasag ka!" gagad ni Chelsea. Nakita ko na duguan ang kamay niya, dahilan upang lapitan ko siya. "O-Okay ka lang, Mr. Delgado?" sambit ko. Pinukulan niya ako ng masamang tingin, kaya naman napalunok ako. "Sa tingin mo, Ma'am Dafne? At saka, trip ko lang magbasag ng baso, Ma'am Dafne. Okay lang ako at maliit lang ito. Ituloy n'yo na 'yang paglalaro ninyo at huhugasan ko lang itong sugat ko," pahayag ni Lindon sa akin. Tumayo siya at tinungo niya ang loob, kasunod niya si Chelsea. "Natakot ako kay Lindon. Akala ko, kung ano na' ng ginawa niya. Pero, trip ba 'yon? Kung kailan moment na ni Ma'am Dafne at Sir Thomson ay saka naman niya trip magbasag ng baso," mahabang komento ni Honeylet. "Parang hindi n'yo kilala si Lindon, dahil g