"Mama!" sambit ni Lindon na agad nilapitan si Mrs. Delgado. At Inilayo niya ito sa akin. "Okay ka lang, ba—Ma'am Dafne?" "Malandi kang guro ka!" sigaw ni Mrs. Delgado sa akin. "Paano n'yo nasabi na malandi ako, Mrs. Delgado? May ebidensya ho, ba kayo na naglalandi ako?" sunod-sunod na sambit ko. "Maghunos- dili ho kayo, Mrs. Delgado. Nandito po tayo upang kompirmahin ang mga concerns ninyo, hindi upang manggulo kayo rito," maawtoridad na saad ng aming principal. "I can't control myself na tumanggap kayo ng guro na galing club!" bulalas pa ni Mrs. Delgado, dahilan upang mapalunok ako at napaawang naman ang labi ni Chelsea. Sa huli ay napangisi ito. "Sabihin n'yo na ang gusto ninyong sabihin sa akin, Mrs. Delgado, tatanggapin ko 'yan lahat," sambit ko. Mahinahon pa rin akong magsal