Nakakunot ang noo nang matandang Montejo ,dahil mula sa labas nang unibersidad ay tanaw niya ang apo na si Liam na nakasandal lang sa sasakyan nito .
Simula nang pumanaw ang mga magulang ni Liam sa isang aksidente ay naging basagulero at barumbado na ang kanyang apo ,mga katangian na hindi nya inasahan na maaaring taglayin nang kanyang apo sapagkat ,isa itong malambing at matalinong bata .
Si Liam lamang ang inaasahan niyang mamahala sa mga negosyo nila kaya hindi siya mapakali sa nakikitang sitwasyon nang apo .
Ang hindi alam ni Liam masakit para sa kanya na makita ito sa ganung kalagayan ,nakikita niya na idinadaan nang apo sa pakikipag basag ulo ang sakit at pangungulila na nararamdaman nito sa biglang pagpanaw ng mga magulang.
Nabuhayan ng loob ang matandang Montejo nang makita niyang naglalakad na ang apo papasok sa unibersidad.
Inihanda na niya ang sarili sa pag alis sa lugar na iyon nang biglang may mahagip ang kanyang paningin .Isang estudyante na kamukhang kamukha nang namayapa nyang anak .Ang mommy ni Liam .
Para siyang nakakita nang multo at hindi agad nakakilos sa kinatatayuan .
Samantala ganun din ang naramdaman ni Liam nang makita nya ang babaeng iyon ,para syang nakakita nang multo nang namayapa nyang ina .
Hindi nya maihakbang ang kanyang mga paa .Hindi mawala ang kanyang tingin sa babaeng makakasalubong nya .Kamukhang kamukha talaga nang mommy nya ang babaeng ito .Sigurado na kung nabubuhay ang mommy niya ay siguradong mas mukhang mag ina ang dalawa.
Bahagya namang ngumiti si Gianna sa lalaking nakita nyang nakatulala habang nakatitig sa kanya.Sanay na kase siya na ganun ang palagi niyang nakikitang reaksyon ng mga tao sa paligid nya kaya ,ngiti nilang ang tugon nya.