episode 1
Gianna kate Almendras ,isang simple at masayahing dalaga .
Liam Brixter Montejo
Basagulero ,Barumbado ,sakit nang ulo .
How they will change each others life in their future encounters??
Pano kung ang simpleng buhay ni Gianna kate ay bigla nalang maging masalimuot at magulo sa oras nang pagtatagpo nila ni Liam ?
Isang simple at masayang buhay ang nakasanayan ni Gianna Kate ,para sa kanya hindi na baleng mahirap ka ,basta may pangarap ka.
lahat ng pangarap pinaghihirapan para makamit .
Sa isang Bayan sa Batangas matatagpuan ang isa sa pinakamagandang mukha ,isang dalaga na nakakahalina ang ganda .
madalas mapagkamalan na artista oh modelo dahil sa nakakabighani nang ganda.
Kaya hindi kataka taka na pila ang manliligaw nya sa loob at labas ng campus.Kaya lang ay focus sya sa pag aaral kaya hindi nya priority ang pagpapaligaw.
Gianna Kate: Gia Alexa ??
tawag ko sa kapatid ko dahil malalate na kami ,kahit kelan talaga ang bagal nyang kumilos ,palibhasa isang oras kung magkolorete nang mukha .naiinis kong bulong sa sarili ko .
Gia Alexa :Pababa na ate ,nagmamadali kong sagot kay ate dahil sigurado nakasimangot na naman yun.
Magkasabay kaming inihatid ni daddy dahil deretso na sya sa bangko ,kung san sya nagtatrabaho ,kaya nga sa public school kami nag aaral eh ,yun kase ang pinakamalapit na school sa trabaho nang daddy naman .
Daddy: Ayokong kung sino sino ang makikita ko na barkada ninyo ,aral ang atupagin nyo .maawtoridad na bilin at pangaral samin ni daddy.
At dahil parehas kami ni Gia na takot kay daddy ,halos mag umpog ang mga ulo namin sa sabay na pagtangong sagot namin kay daddy bago kami lumabas nang sasakyan.
Kasalukuyan akong nasa ikatlong taon sa kolehiyo ,samantalang nasa unang taon palang si Gia.
Nasa ikatlong taon naman sa high school ang bunso namin na si Gian.
Gia: ate balita ko ikaw ang napipisil na mag represent sa school natin sa gaganaping national university pagent?
tanong sakin ni Gia .
Gianna : kanino mo naman nalaman yan ? wala pa naman akong nalalaman tungkol sa bagay na yan .
Gia :kahit kelan talaga ate ang bagal mo sumagap ng balita ,nakasimangot na sagot ni Gia ,habang binilisan ang lakad papasok ng campus at iniwan ako mag isa ..