bc

DARKER SIDE OF HIM (Free)

book_age18+
17.3K
FOLLOW
53.7K
READ
revenge
dark
manipulative
submissive
mistress
drama
bxg
abuse
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

MAHAL NIYA AKO....

MAS MAHAL NGA LANG NIYA SIYA...

AT KAILANGAN NIYA NAMAN SI ANO....

Nagmahal lang si Maiza nang lubos kaya nakisama siya sa kaniyang nobyo kahit na hindi pa nagpapakasal. Pumayag siyang makipag-live-in partner. Tinanggap niya ang kapalaran niya basta makapiling lamang niya ang lalaking pinakamamahal niya.

Ngunit paano kung ang ka-live-in niya ay may mas totoong ka-live-in-partner pala? Paano kung ginagamit lang pala siya para ang dalawa ay makapagsama? Will she still love him despite the fact that he is a playboy gigolo?

chap-preview
Free preview
Part 1
"Maiza, saglit!" habol ni Jhane sa kaniya—ang bukod tanging naging matalik niyang kaibigan sa kanilang trabaho. Mga factory worker sila ni Jhane na stay-in. Kabilang sila sa mga daan-daang manggagawa na gumagawa ng iba’t ibang klase ng damit sa factory ng isang Intsik. "Jhane, bakit?" Mangiyak-ngiyak na nilingon ni Maiza ang kaniyang kaibigan. Para na niya kasi itong kapatid, kaya masakit din sa kanya na ito'y kanyang maiiwan. "Aalis ka na ba talaga?" Malungkot na tumango si Maiza. “Oo, Jhane. Ngayon kasi ang sabi ni Boss na pag-alis ko.” "Huwag muna. Baka puwede pa nating pakiusapan si Boss." Umiling si Maiza. "Ilang ulit na ako nakiusap pero umalis na raw ako." "Hindi. Halika. Tutulungan kita. Makikiusap ulit tayo." Hinila siya ni Jhane. "Ilang ulit na akong nakiusap pero umalis na raw ako, eh." "Hindi. Halika. Tutulungan kita. Makikiusap ulit tayo." Hinila ulit siya ni Jhane pero hindi siya nagpahila. "Hayaan mo na, Jhane, tutal wala naman na rito si Olmer. Wala na ring saysay na manatili ako rito kung wala siya. Hindi rin ako magiging masaya kung pipilitin ko pa rin na magtrabaho rito." Si Olmer Delvara ay ang nobyo ni Maiza, isa sa mga supervisor sa factory na kanilang pinagtatrabahuan. Dati ay snob ang binata, at sobrang istrikto, pero unti-unti ay nakuha ni Maiza ang loob nito. Naging magkaibigan sila, hanggang sa naging magkasintahan. Nabago ni Maiza si Olmer. Ang dating parang walang pakialam sa mundo na binata, kahit paano ay naging masayahin dahil sa kaniya. Ang sabi kasi ay minsan nang na-depress si Olmer kaya naging seryoso, suplado, at masungit ito. Balita na may kaya raw si Olmer noon. May sariling clothing company raw ito. Ang kaso, niloko raw ito ng isang kaibigan nito kaya nalugi ang kompanya nito. Ang malupit pa ay itinakwil ito ng mga kaibigan at kakilala nito dahil kasama sa mga nalugi ang investment nila kay Olmer. Walang natira na nagmalasakit kay Olmer. Mabuti na lang at nakayanin din ng binata na makabangon kahit paano. Nakapasok itong supervisor sa factory. Tinanggap na lang ang kapalaran nito kahit na hindi na ganoon kataas ang istadu nito sa buhay kumpara noon. Hindi alam ni Maiza kung totoo ang mga iyon. Sa tuwing tinatanong niya kasi si Olmer ay nagagalit ito sa kaniya. Gayunman, inuunawa na lang niya ang kaniyang nobyo. Naisip niya na baka naging bangungot sa buhay ni Olmer ang nakaraan na iyon kung kaya hindi na rin siya nagtanong pa tungkol sa bagay na iyon. Nag-concentrate na lang si Maiza sa relasyon nila ni Olmer. Tiniyak niyang lagi silang masaya. Ipinaparamdam niya lagi na kahit ano’ng mangyari, sa hirap man o sa ginhawa, ay naroon siyang kakampi ng kaniyang nobyo. Awa ng Diyos, nagawa naman nilang ilihim ang pag-iibigan nila sa loob ng factory. Nanatili silang magkasintahan kahit na bawal. Subalit, wala talagang sekreto na hindi nabubunyag. Isang araw, may nakakita sa kanila na naghahalikan sa may bodega ng factory. Mapusok kasi si Olmer, wala itong takot. At iyon nga, agad silang isinumbong ng nakakita sa kanila sa boss nila. "So, sa'n ka ngayon titira?" tanong na naman ni Jhane nang wala na itong magawa para baguhin ang desisyon ni Maiza. "Hindi ko pa alam pero huwag kang mag-alala tatawagan kita agad kapag nasa maayos na ako na kalagayan. Hindi naman siguro ako pababayaan ni Olmer." "Okay, sige. Kung gano'n ay mag-iingat ka na lang. I-text mo agad ako, huh? Sabihin mo sa akin agad kung ano’ng address mo para mapuntahan kita sa day off ko.” Tumango na lang si Maiza. Isang mahigpit nang yakapan ang ginawa nilang magkaibigan bilang paalam sa isa't isa. Doon sa factory ay sila ni Jhane lamang ang magkakampi kaya natatakot din siyang iwanan ito. Subalit ay nakapagdesisyon na siya at alam niya nauunawaan naman siya ng kaniyang kaibigan. “Mami-miss kita, Maiza.” “Ako rin, Jhane. Mag-iingat ka lagi rito, okay?” “Ikaw rin. Huwag mong pababayaan ang sarili mo.” Hindi nagtagal ay makikitang mabibigat ang mga paa ni Maiza na humahakbang na palabas sa factory. Dalawang taon din siyang nagtrabaho doon kaya masakit din sa kalooban niya na lisanin ang lugar. Marami ring masasayang ala-ala ang nabuo niya roon. Mabait naman kasi ang boss nila, sadya lang na mahigpit ito sa mga patakaran. "Maiza, dito!" mayamaya ay tawag ni Olmer sa kaniya. "Olmer…" Napangiti si Maiza dahil dumating nga si Olmer. Ngayon siya naniniwala na totoong mahal nga siya ng kaniyang nobyo. Kagabi ay tinawagan niya ito na ngayon na ang alis niya sa trabaho. Hindi naman niya sinabi na susunduin siya nito kasi nahihiya siya. Pero heto, dumating ang lalaking pinakamamahal niya. Dinala agad siya ng kasintahan sa isang sikat na kainan at pinakain. Hindi siya maarte. Kahit saan pa siya dalhin ni Olmer ay ayos lang sa kaniya, kahit pa nga sa karinderya sana ay walang magiging problema. Hindi niya hangad ang mga mamahaling bagay sa mundo, ang makasama lang si Olmer ay ayos na sa kaniya. Masayang-masaya na siya. Si Olmer. Ito ang matayog pa rin ang pangarap. Gusto raw ni Olmer na makabalik sa marangyang buhay nito. Nasabi nga sa kanya ni Olmer noon na gagawin nito ang lahat para yumaman ulit. Sa totoo lang ay may naging issue kay Olmer noon na may relasyon sila ng asawa ng boss nila sa factory, pero hindi naman iyon napatunayan. At itinanggi rin iyon sa kaniya ni Olmer. Baliw raw ang nagkalat ng tsismis na iyon kaya hindi niya dapat paniwalaan. “Ano?! Wala kang tutuluyan?!” Nabigla si Olmer sa sinabi niyang wala siyang mapupuntahan nang natapos na silang kumain. “Tinawagan mo ba ako para sa problemang 'yan?! Kabwisit ka naman, eh!” “Sorry...” Nakaramdam si Maiza ng hiya sa nobyo. Ayaw naman sana niyang gambalin ito o idamay sa problema niya, pero wala kasi siyang alam na mahihingan pa ng tulong. Wala siyang kilala roon sa Valenzuela. Wala siyang matutuluyan at wala rin siyang pera pang-uwi sa probinsya nila. At sa totoo lang ay dalawang daang piso lang ang pera niya sa kaniyang pitaka dahil naipadala na niya sa kaniyang mga magulang ang huling sinahod niya. Hindi naman niya kasi alam na ganito ang mangyayari, na matatanggal siya sa trabaho kaya hindi niya napaghandaan. “Pasensya ka na kung tumaas ang boses ko. Alam mo namang problema ko rin ang matutuluyan, 'di ba? Alam mo na nakikitira lang ako ngayon sa isang kaibigan ko. At saka...” Napakamot sa sariling batok si Olmer. Hindi na nito itinuloy ang sinasabi nang mapansing naiiyak na siya. Mukhang depress din si Olmer kaya nauunawaan ito ni Maiza. May pagkagastador din kasi si Olmer kaya hindi na siya nagtataka kung kahit malaki ang sinasahod nito noon bilang supervisor ay wala itong naiipon. Gano'n naman kasi talaga ang mga binata. “Sorry talaga. Ikaw lang kasi ang alam kong makakapitan ko ngayon,” lakas-loob na sabi ni Maiza. “Asar naman, eh!” Badtrip na itinulak ni Olmer ang plato nito. “Sorry na. Huwag ka nang magalit,” naiiyak na panunuyo ni Maiza sa nobyo. Mayamaya ay malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Olmer. “Siya, sige, gagawa na lang ako ng paraan. Nainis lang kasi ako dahil akala ko may ipon ka, parehas lang pala tayong wala.” Kahit paano ay naginhawaan na si Maiza. Sabi na nga ba nya't hindi siya pababayaan ng kaniyang nobyo, na mahal talaga siya nito. “Sa ngayon maghahanap muna tayo ng matutulugan natin ngayong gabi,” sabi pa ni Olmer. Sobrang natuwa si Maiza sapagkat ang totoo ay gusto na rin niya itong makasama araw-araw. Kahit ganoon ang sinapit niya sa trabaho ay hindi niya iyon pinagsisisihan. Sa kabila ng lahat, kahit walang pera ay masaya siya ngayon dahil malaya na sila ni Olmer na magmamahalan. Hindi tulad doon sa factory na mga nakaw na sandali lamang ang kanilang pinagsasaluhan. Handa na siyang pagsilbihan si Olmer. Handa na siyang maging mabuting asawa nito, kahit pa wala munang kasal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
77.6K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.6K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
50.5K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
60.5K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.6K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
32.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook