Nagising ako sa mumunting halik sa aking pisngi. Nang magmulat ako ng aking mga mata ay nakita ko si Rusty na nakangiti habang binibigyan ako ng mumunting halik sa aking pisngi. Gumanti ako ng ngiti at umayos ng pagkakahiga. “Good morning Love,” bati pa niya sa akin. “Good morning. Anong oras na ba?” tanong ko sa kaniya sabay abot sa aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng side table na nasa panig ko. “Alas-kwatro pa lang Love, ang aga mo naman manggising,” kunwa’y reklamo ko sa kanya saka ko siya niyakap. “Siyempre naman Love, susulitin ko na magkasama tayo ngayon.” Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi habang taas-baba pa ang kaniyang mga kilay habang nakatunghay sa akin. “Sira!” tugon ko naman saka tinampal ang kaniyang dibdib. Napatili na lang ako nang daganan niya a